^

Punto Mo

Utol (13)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BAGO nakasagot si Nanay Luisa ay lumapit si Nanay Julia at nagpaalam kay Gerald.

“May gagawin lang ako sa kitchen, Gerald. Maiwan ko na kayong dalawa.’’

“Salamat po Nanay Julia.’’

Lumabas na ang matanda.

Hula ni Gerald, talagang sinadya ng matanda na umalis para malayang makapagsalita si Nanay Luisa ukol sa maid na itinatanong ni Gerald. Maaaring napansin ni Nanay Julia na bantulot si Nanay Luisa sa pagsasalita.

“May alam ka po ba, Nanay Luisa kung bakit uma­lis ang maid na si Catalina rito sa amin?’’

Napahinga ang matanda. Malalim na paghinga na para bang nagpapahiwatig ng isang mahirap na desisyon.

“Ayaw ko sanang magsalita Gerald ukol diyan kaya lang siguro ay dapat mong malaman ang lahat.’’

“Sige po Nanay Luisa. Nakahanda po akong makinig. Gusto kong marinig ang version mo.’’

“Umalis si Catalina rito sapagkat siya ay buntis. At ang nakabuntis sa kanya ang iyong papa.’’

Napatango si Gerald. Alam na niya iyon.

“Lihim na lihim iyon. Pero mismong si Catalina ang nagkuwento sa akin ng buong pangyayari.’’
“Ano po ang sinabi ni Catalina?’’

“Napamahal siya sa iyong papa. Pero dahil malaki ang utang na loob niya sa iyong mama, pinili na lang niyang umalis para hindi masira ang pamilya. Nagpakalayu-layo siya.’’

Hindi makapagsalita si Gerald. (Itutuloy)

vuukle comment

UTOL (13)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with