^

Punto Mo

Kakaibang kuwento ng mga scientist Part I

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

1. Si Thomas Edison ay nalumpo at kinailangang gumamit ng wheelchair noong mga huling taon niya dito sa mundo. Naisipan ng kanyang bestfriend na si Henry Ford na bumili rin ng wheelchair para sa sarili kahit malakas pa siya at masigla pang nakakalakad. Ginagamit niya ang wheelchair tuwing dadalawin si Edison. Ginagamit niya ito para makipagkarera ng wheelchair sa kaibigan.

2. Ang French philosopher at mathematician na si Descartes ay kinuhang tutor sa philosophy ng Queen of Sweden. Kaya lang, ang gusto ng Queen ay magsisimula ang kanyang lesson tuwing 5 a.m. Sa loob ng isang taon ay matiyagang nilalakad ni  Descartes ang daan patungo sa palasyo, umuulan man o hindi ng snow. Nagkasakit ng pneumonia ang guro na ikinamatay  agad nito.

3. Nadidismaya si Nikola Tesla sa mga taong matataba. Tinanggal niya sa trabaho ang kanyang sekretarya nang maging tabatsoy na ito.

4. Ang mga 1890s na laboratory papers or research papers ni Marie Curie ay radioactive pa rin hanggang ngayon. Nakatago pa rin ang mga ito sa leadline boxes. Kailangang nakasuot ng protective gear ang may gustong magbasa ng mga ito.

5. Sikat si Albert Einstein sa publiko. Kapag naglalakad sa pampublikong lugar, marami ang bumabati at tumatawag sa kanyang pangalan. Ang gagawin niya ay hihinto sa paglalakad at hihingi ng paumanhin sa mga tao : “Pardon me, sorry! Always I am mistaken for Professor Einstein.”

*Marami ang humahanga sa kanyang talino kaya gusto ng mga tao na magtanong sa kanya na parang siya ay encyclopedia. Kung aaminin niyang siya si Einstein, pagkakaguluhan siya ay tatanungin ng kung ano-ano. Hindi naman sa nagdadamot si Einstein ng kaalaman kundi ayaw niyang maabuso ang kanyang privacy. May tamang lugar para magbahagi ng kaalaman at hindi kung saan na lang magustuhan ng mga tao.

vuukle comment

SCIENTIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with