^

Punto Mo

Utol (11)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAGANDANG balita ang sinabi ni Nanay Julia na ikinatuwa ni Gerald. Mukhang mapapadali ang paghahanap niya sa anak ng kanyang papa.

“Kailan po pupunta rito si Nanay Luisa, Nanay Julia?’’

“Mamayang hapon daw. Nakausap ko siya mismo kahapon.’’

“Mabuti naman po. Nahirapan po ba kayo sa pagha-hanap kay Nanay Luisa?’’

“Hindi naman. Diyan lang siya sa kabilang barangay. Pinuntahan ko na para matiyak ko kung siya nga iyon. Kasi’y may nakapagsabi lang sa akin na riyan nga siya nakatira. At totoo nga. Halos kasing edad ko si Luisa pero  mas batang tingnan.’’

“Mabuti po at napapayag mong pumunta rito.’’

“Oo. Malaki ang utang na loob pala niya sa papa at mama mo. Kaya pala siya umalis dito noon ay dahil nagkasakit siya nang malubha at hindi na kakayaning maglaba. Kung hindi raw siya umalis ay baka siya na ang pinakamatanda rito at nagsisilbing ina ng mga maid dito. Napakabait daw ng mga magulang mo Gerald.’’

“Mabuti naman pala at magkakausap kami. Siguro po marami siyang alam ukol sa sinasabi kong maid na nakasama niya noon dito ano po?’’

“Oo. Siguradong alam niya ang maid na itinatanong mo.’’

“Mga anong oras po pupunta rito si Nanay Luisa?’’

“Mga alas tres daw.’’

“A kailangan pala mag-prepare tayo ng meryenda  para kay Nanay Luisa.’’

“A oo ako ang bahala. Magpapaluto ako ng kakanin.’’

“Salamat, Nanay Julia.’’

“Sige Gerald. Tatawagin kita kapag dumating si Luisa.’’

“Salamat po, Nanay.’’

Eksaktong alas tres ay dumating na si Nanay Luisa.

Nagkaharap sila ni Ge-rald.

Nagmano si Gerald.

“Buntis pa lang sa’yo ang mama mo nang umalis ako rito. Nagkasakit kasi ako kaya napilitang umalis. Sabi ng papa mo sa akin, bumalik ako kapag magaling na pero hindi ko na ginawa. Hanggang sa mabalitaan ko na namatay na pala ang mama mo.’’

“Oo nga po. Kailan lang namatay si Papa.’’

“Nabalitaan ko nga kay Julia.’’

Napahinga si Gerald bago nagtanong kay Nanay Luisa.

“Nanay, mayroon akong itatanong. Di po ba’t dalawa lang kayong maid dito noon.’’

“Oo.’’

“’Yung isa pong maid ay maganda?’’

“Oo.”

“Ano po ang pangalan niya?’’

Bantulot si Nanay Luisa sa pagsagot. (Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with