^

Punto Mo

NBI director, habulin mo ang jueteng at STL bookies sa SPD!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

ANYARE National Bureau of Investigation (NBI) director Dante Gierran? Kaya ko ito naitanong ay dahil sa pagkakasangkot kamakailan ng isang opisyal ng NBI at agent nito sa extortion. Siyem­pre, medyo nabago ni Gierran ang imahe ng NBI ng nagdaang mga taon subalit nasira na naman dahil sa pagkakasangkot nina Rudhen Mendoza, 52, at Virgilio Talag, 43, sa katiwalian. Si Mendoza ay acting district director ng NBI sa Bulacan samantalang si Talag ay nagpakita ng ID na NBI agent siya. Ang masama, naaktuhan ng mga bataan ni Senior Supt. Eliseo Cruz, ng Southern Police District (SPD) si Mendoza matapos tumanggap ng P54 million na tseke mula sa negosyanteng si Zhifeng Tang, 54. Ang tseke ay kabayaran sa pag-aspalto kuno ng J.P. Rizal extension sa Makati City subalit natuklasan na bogus pala ang proyekto. Ang masama, nagbigay na si Tang ng paunang bayad na P5 milyon sa grupo ni Mendoza. Hak hak hak! Ayaw ng kokonti at ang gusto malakihan kaya hayun kalaboso si Mendoza. Si Talag naman at ang 11 kasamahan ay nasakote ng mga tauhan ni Sr. Supt. Eleazar Matta, hepe ng NCR-CIDG dahil sa reklamo ng negosyanteng si Abner Anthony Fuentebella na kinikikilan siya ng mga ito ng P11 milyon. Nakabili pala ng 2.4 ektaryang lupa si Fuentebella sa Bacoor, Cavite at hinimok siya ni Talag na sila na ang maglalakad ng papeles ng lupa sa halagang P22 milyon. Nakapagbigay na ng paunang bayad si Fuentebella sa grupo ni Talag na P11 milyon subalit hindi na sila nagpakita matapos matanggap ang pitsa. Si Talag ay nasakote ng mga tauhan ni Matta malapit mismo sa NBI headquarters sa Taft Avenue. Araguuyyyy! Hak hak hak! Malakihang extortion na ang lakad ng NBI sa liderato ni Gierran.

Kung sabagay, hanga ang Supalpal kay Gierran sa mga unang araw niya sa NBI dahil hindi nabahiran ng uling ang mukha niya sa aspeto ng illegal gambling. Bago maupo si Gierran sa NBI, ang opisina niya ay may butas sa gambling lords sa buong bansa. Subalit nabago ito sa panahon ni Gierran, ‘di ba kosang Ogie Rodriguez Sir? Kaya lang mukhang nahihirapang iwasan ng mga bataan ni Gierran ang kinang ng pitsa kaya hayun swak sa kaso sina Mendoza at Talag. Teka nga pala! Mukhang tahimik si Gierran sa kaso  nina Mendoza at Talag ah. Dapat sa kanila ay sibakin na para hindi sila pamarisan ng kani-kanilang mga kasamahan na magdudulot na naman ng pagkabaho ng imahe ng NBI. Hak hak hak! Ikumpas mo na ang iyong kamay na bakal Director Gierran laban kina Mendoza at Talag para hindi ka maakusahan na kinukunsinti mo ang mga ilegal na gawain nila. Araguuyyyy!

Sa totoo lang, hindi lang naman sina Mendoza at Talag ang mga eyesore sa NBI kundi maging ang personnel ng NBI sa Sta. Rosa, Laguna. Kalat na sa southern Metro Manila na ang NBI sa Sta. Rosa ang protektor ng bookies ng STL nina Totoy Haruta at alias Albano. Ang mga malaking kubrador nina Albano at Haruta ay sina Arojado sa Muntinlupa City at Joy naman sa Parañaque City. Hinuhuli ng NBI Sta. Rosa ang mga kubrador ng kalaban sa negosyo nina Haruta at Albano. Di ba si Albano rin ang authorized agent ng Happy Cool sa SPD? Ayon sa mga kosa ko, aabot na sa P300 milyon ang pagkautang ng Happy Cool sa PCSO subalit patuloy pa ang operation ng mga ito dahil sa TRO. Ano ba ‘yan? Ang grupo naman ni alyas Hapon at Jun Laurel ang nasa likod ng jueteng operations sa Taguig at mukhang pasok din sila sa tropa ng NBI Sta. Rosa. Halos tatlong linggo nang nag-operate ang jueteng nina Hapon at Laurel at ewan ko lang kung pasok na sila sa mga operating unit ng PNP at NCRPO. Hak hak hak! Kapag nasupil ni Gierran ang jueteng nina Hapon at Laurel, pati na ang STL bookies nina Haruta at Albano, maniniwala na ako na malinis ang katawan ng NBI director sa ilegal gambling. Abangan!

vuukle comment

DANTE GIERRAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with