^

Punto Mo

Ang Nagsasalitang Litrato

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Last Part)

Karanasan ito ng aking Kumareng Baby noong 7 years old siya:

ANG frame ng litrato ng kanyang Lola ay tila naging malaking screen ng TV, bigla siyang gumalaw at nagsalita.

“May mga taong nakapasok na sa loob ng ating bakuran. May masama itong pinaplano sa inyong lahat. Bilisan mo, gisingin mo ang iyong Lolo!”

Tumakbo si Baby, patungo sa kuwarto ng kanyang Lolo.

“Lolo gising ! May mga taong papatay sa atin !” Iyon ang intindi ni Baby sa mga sinabi ng kanyang Lola. Palibhasa ay nabigla ang matanda sa paggising, tapos may salitang patay na umalingawngaw sa pandinig, ang tendency ng kanyang Lolo ay kuhanin kaagad ang kanyang shotgun.

Pagdungaw ni Lolo sa bintana ay may dalawang lalaki na nakasakay sa nakaparadang jeepney na ipinamamasada ng pamilya. Pilit nitong binubuhay ang makina. Ang isang lalaki naman ay binuksan ang gate para maihanda sa paglabas ng jeepney.

Ang binaril muna ni Lolo ay gulong ng sasakyan para maging warning din ito sa dalawang lalaki na huwag nang tangkaing tumakas. Nang aktong tatakbo ay binaril niya nang magkasunod ang paa ng mga lalaki. Sharp shooter si Lolo. Lagi siyang nananalo sa mga paligsahan kaugnay ng pagbaril.

Ang dalawang lalaki na nagtangkang karnapin ang jeep na pampasahero ay mga takas na bilanggo. Ang isa sa dalawang lalaki ay ipinakulong ni Lolo dahil ito ang pumatay kay Lola na nasa litrato. Kaso sa higpit ng mga kandado sa bahay nabigo ang mga ito na makapasok kaya, ang jeep na pampasahero ang napagtripang nakawin.

Hindi na ma-differentiate ng aking kumare kung totoo bang nagsalita ang kanyang Lola sa litrato o bahagi lang ito ng kanyang panaginip? Anupaman ang totoo, ang mahalaga ay nabigyan sila ng warning ni Lola at nakaligtas sila sa tiyak na kapahamakan. Sa kasamaang palad ay hindi na naranasang lumaya ng murderer ni Lola dahil namatay na ito sa bilangguan bago pa man matapos ang sentensiya.

vuukle comment

TV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with