^

Punto Mo

Utol (9)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NATUWA si Gerald sa sinabi ni Nanay Julia na kilala raw nito ang lahat nang naging maid sa bahay nila.

“Nang ipanganak ako Nanay Julia, narito ka na?”

“Oo. Mga limang buwan bago ka ipanganak e narito na ako. Kinuha ako ng papa mo dahil may umalis daw na maid. Kailangang-kailangan daw ako dahil manganganak nga si Mam. Ikaw nga ang ipapanganak.”

“So, hindi mo po kilala yung umalis, Nanay Julia?’’

“Hindi. Basta pagdating ko rito, isa lang ang naabot kong maid --- si Luisa na umalis din agad may ilang buwan pa lang ako rito.’’

“Nasaan na po si Luisa?’’

“Ang alam ko, patay na yun.’’
“Ilan daw po ba sina Luisa rito dati?’’

“Ayon kay Luisa, dalawa lang silang maid. Kaso umalis nga yung isa at ako na ang kinuhang kapalit.’’

“Ano raw po ang itsura ng umalis – yung kasama ni Luisa.’’

“Hindi ko alam. Hindi kasi makuwento si Luisa. Hanggang sa umalis nga siya at ako na lang ang nag-iisang katulong. Hanggang sa ipa­nganak ka ay ako lang ang katulong. Pero sabi ng papa mo, dapat kumuha pa ng maid – kailangan ay may taga-laba, taga-plantsa, tagaluto at ta­galinis ng bahay. Kaya kumuha nga. Nakapagpasok din ako ng dalawang kamag-anak dito.’’

“Pero palagay mo po patay na si Luisa, Nanay Julia?’’

“Hindi ako sigurado. May nakapagsabi lang sa akin.’’

Napatangu-tango na lang si Gerald.

“Huwag ka namang magagalit Gerald, bakit mo itinatanong yung si Luisa?’’

“Gusto ko po kasing malaman yung kasama niyang maid dito noon. May mahalaga akong gustong malaman sa maid.’’

“Ganun ba? Teka at magtatanung-tanong ako. Baka naman mali ang balita ko na patay na si Luisa.”

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with