^

Punto Mo

STL binu-bookies, PCSO nganga

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

The other week pumiyok si PCSO Director Sandra Cam na mahigit kalahating bilyong piso diumano ang hindi inire-remit sa PCSO ang singil sa ilang Small Town Lottery (STL).

Malaking salapi na raw ang missing sa kaban ng PCSO dahil sa kagagawan ng mga delinkuwenteng STL operators na ‘pino­proteksiyonan’ umano ng ilang tiwaling opisyal dito?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sinasabing grabe ang lakas ng loob dahil hindi pa kanselado ang mga lisensiya o prankisa ng STL operators kahit sa jueteng bookies este mali delinkuwente pala ay may protection at kumakapit daw sa mga opisyal ng PCSO.

Sabi ni Sandra ibinulong na umano niya kay GM Balutan ang mga problemadong operators pero ang sagot umano sa kanya ay pagbigyan na lamang.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Birada ni Cam, hindi biro ang shortfall sa kita ng STL ng PCSO dahil may nagbibigay daw sa kanila ng proteksiyon.

Isa sa pangunahing dahilan sa pagkakansela ng prangkisa o lisensiya ng STL operator ay hindi pagre-remit ng kita nila sa PCSO.

Halos one year hindi nagre-remit ng pitsa sa PCSO ang mga delinkuwenteng operators kaya malaking pondo ang nawawala sa gobierno na dapat tulong sa mga pobreng alindahaw at mailalaan sa paggawa ng iba’t ibang project ng gobierno.

Cam, ang mga hindi nagre-remit na operators ay mga dating heneral o mga kamag-anakan nila.

Ire-report daw ni Cam kay Boss Digong ang problemang nangyayarisa STL.

Sinabi ni Balutan, hindi dapat siya ang sisihin ni Sandra na kung hindi niya masingil o magbayad ang mga operator ng STL.

Itinuro ni Balutan na si Cam ang in-charge sa koleksiyon ng mga utang sa PCSO.

Sinasabing may ilang operator partikular sa southern metro ang nag-file ng TRO sa PCSO kaya hindi sila makagalaw na sibakin na ito.

Abangan.

vuukle comment

SANDRA CAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with