^

Punto Mo

Painting na naibenta ng $1.1-m sa isang auction, nag-‘self destruct’ matapos mabili

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG likha ng sining na gawa ng kilalang graffiti artist ang nag-“self destruct’’ sa mismong sandali na naipagbenta ito sa halagang $1.1 million (katumbas ng P55 milyon).

Naging matindi ang naging bidding sa auction house sa London na Sotheby’s para sa painting na “Girl with Balloon” ng artist na Banksy kaya pumalo ang presyo nito sa nasabing halaga mula sa paunang presyo na nasa $200,000 lang.

Kaya naman marami ang nagulat nang bigla na lang lumusot palabas ng frame nito ang painting matapos tawagin ang huling bid.

May shredder palang nakatago sa frame kaya unti-unti itong nagkapira-piraso habang lumulusot palabas.

Pinaghihinalaang ang may likha ng painting na si Banksy, na kilala sa kanyang mga biro at publicity stunts ang siya mismong may kagagawan sa pangyayari. Mas lalo pang lumakas ang hinala matapos mag-share ang artist ng litrato ng kanyang gula-gulanit na painting na may caption na “going, going, gone…”

Itinanggi naman ng auction house na Sotheby’s na may kinalaman sila sa pangyayari.

Karaniwang hindi ipinagpapatuloy ang pagbebenta ng isang bagay na ipinasubasta kung sakaling masira ito habang nasa pangangalaga pa ng auction house ngunit hindi malayong mas tumaas pa ang halaga ng “Girl with Balloon” kung sakaling hindi ito bilhin ng nanalong bidder dahil sa kakaibang pangyayari.

vuukle comment

AUCTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with