^

Punto Mo

Economic sabotage sa mga rice smugglers

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

GUSTONG pasampahan ng kaso ni House Appropriations Committee Chairman, Rep. Karlo Nograles sa pamunuan  ng Department of Agriculture ng ‘economic sabotage’ ang mga may-ari ng bodega na nahuling nagtatago at nagri-repack ng bigas sa Iligan City kasabay ng paggiit na isa itong malinaw na paglabag sa Republic Act 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

Binigyan impormasyon na pala ni Nograles ang DA last August na may mga ilang mangkukulam este mali rice traders pala sa Mindanao na nagtatago ng bigas, kaya naman ang mga pobreng alindahaw ang siyang nasasaktan sa pangyayari ito.

Bakit?

Sagot - halos walang mabili at nagmahal ang bigas!

Birada ni Nograles, kay DA Secretary Manny Piñol, ang hoarding o pagtatago ng suplay ng bigas ay malinaw na ‘economic sabotage.’

Sabi nga, isang paglibag este mali paglabag pala na non-bailable ang mahuhuli.

Tirada ni Nograles, hindi dapat tinatanggap ang palusot ng mga traders na ito ay inventory management dahil malinaw pa sa mineral water na ito ay economic sabotage.

Ang pagtatago ng bigas para manipulahin ang scenario ng kakulangan sa supply ang siyang nagpapamahal sa presyo nito.

Maliwanag na ‘price manipulation’ at ‘economic sabotage ang ginagawa ng mga traders.

The other day, mahigit 50,000 sacks of rice ang nadiskubre ng Task Force on Rice Hoarding sa dalawang warehouses sa Barangay Palao, Iligan City, Lanao del Norte.

Inginunguso sina Johnny Tan at Sonia Payan, owners daw ng mga imbakan ng bigas?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Tiyak na smuggled rice from Malaysia ang nasa bodega at ni-repack para isipin galing ang mga ito sa gilingan ng palay.

Naku ha!

Ano bang gimik ito?

Bukod dito, walang permit from NFA ang bodegang pinag­lagyan ng mga puslit na bigas.

Hindi biro ang pagpupuslit sa nasabing lugar kaya dapat itong imbestigahan, kalkalin, busisiin at himayin para malaman kung sino ang mga smugglers at hoarders na nag-ooperate sa lugar.

Kambiyo issue, naggagalaiti sa galit si Boss Digong matapos nitong malaman nawawala ang 23,000 sacks of rice habang nasa custody ng Bureau of Customs sa Zamboanga.

Kailangan ng kalusin ang mga ganitong istilo dahil naghihirap lalo ang madlang pinoy na umaasa sa murang bigas dahil namamanipula ng mga gago ang presyo ng bigas sa merkado.

Abangan.

vuukle comment

SMUGGLERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with