^

Punto Mo

18 unibersidad sa MM, nabulabog ng AFP report

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Labing-walong unibersidad sa Metro Manila ang tinukoy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na rito sinasabing aktibo ang ginagawang recruitment ng New Peoples Army (NPA) para sa planong ‘‘Red October’’ plot laban kay Pangulong Digong.

Siyempre pa, matapos ipalabas ang mga pangalan ng unibersidad, palagan na ang pamunuan ng mga paaralan kasabay nang pagtatanggi sa naturang report ng AFP.

May katwiran din naman silang sabihin na sana raw bago isinapubliko ang mga unibersidad na ito, ay nauna na munang kinunan nang pahayag ang mga opisyal ng paaralan.

Kung susumahin, maituturing ng militar ang ulat na isang intelligence report, siguradong matinding pagsubaybay o imbestigasyon ang kanilang isinagawa bago nila nabuo at nakalap ang ganitong impormasyon, gayunman hindi naman kaya malagay sa alanganin ang mga mag-aaral, lalu na ang wala naman talagang kinalaman.

Sa isang banda, lumikha rin ito kahit papaano ng takot at pangamba lalo na sa panig ng mga magulang na ang kanilang mga anak ay nag-aaral sa mga binanggit na unibersidad.

Pero, ipinaliwanag din naman ng AFP ang kanilang intensyon na kaya nila isinapubliko ang mga unibersidad ay para mabigyan na rin ng kaalaman ang mga mag-aaral at mga magulang sa ginagawang paghihimok ng ilang NPA rebels. Ito ay para sila makapag-ingat at maging mapagmasid sa mga lalapit sa kanila at mag-aalok ng kung anu-anong ideya at kaisipan na pwede nilang ikapahamak.

Sa panig naman ng mga paaralan, imbes na magngangawa , dapat din silang gumawa ng hakbang o imbestigasyon, tignan baka naman nagbubulag-bulagan lang sila kahit bulgar at kitang-kita ang ginagawang recruitment . Hindi rin naman nila mapipigilan kung ano gusto ng kanilang mag-aaral, pero ang tamang paggabay at paalala ay kailangan.

Sa huli, nasa tao pa rin, alam niya kung saan siya lulugar, siya ang ang babalanse sa tama o mali pero kailangan pa ring may patnubay ng mga magulang at mga opisyal ng paaralan.

Mas makabubuti marahil kung magkakaroon ng diyalogo sa pagitan ng mga awtoridad, pamunuan ng mga paaralan , isama ang mga magulang at mag-aaral. Para ito mapag-usapan at makapagpaliwanagan ng sa huli ay wala ang sisihan.

vuukle comment

AFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with