^

Punto Mo

Bote ng Whisky, naibenta sa Scotland sa halagang $1.1-M

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 60-anyos na bote ng whisky ang naibenta sa isang auction sa Scotland.

Tumataginting na $1.1 milyon (katumbas ng P55 milyon) ang naging presyo ng bote ng Macallan Valerio Adami, na ipinasubasta sa inorganisang whisky sale ng auction house na Bonham’s sa Edinburgh nitong nakaraang Miyerkules.

Taong 1926 pa ng gawin ang whisky ngunit noong 1986 lamang ito isinalin sa boteng pinaglalagyan nito ngayon.

Umabot sa higit isang milyong dolyar ang presyo ng whisky hindi lamang dahil sa edad at lasa nito, kundi pati na rin dahil sa magandang bote nito na dinisenyo ng Italian artist na si Valerio Adami. Dahil sa disenyo nito ay masasabing pambihira ang nabentang bote ng whisky.

Tinatayang nasa 12 lang ang katulad nitong bote at karamihan pa sa mga ito ay hindi na alam kung nasaan na ngayon. Sinasabing ang isa ay nawawala na matapos tumama ang lindol sa Japan noong 2011 samantalang ang isa naman ay ininom na ng may-ari nito.

Isang Briton ang nanalo sa auction at mag-uuwi ng sinasabing pinakamahal na bote ng whisky sa buong mundo.

vuukle comment

WHISKY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with