^

Punto Mo

Opisyal ng gobyerno, ‘wag mag-abuso!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi matapus-tapos ang pagsosori ni ACTS-OFW Party-list Rep. Aniceto Bertiz tungkol sa nag-viral sa social media na ginawa niyang pambu-bully sa isang airport officer sa Terminal 2 ng NAIA kamakailan.

Ito’y dahil naman hanggang ngayon kasi ay walang tigil pa rin ang talagang nag-iinit na batikos sa kanya ng maraming mamamayan.

Kasi naman hindi ngayon lang nasangkot sa ganitong komprontasyon si Bertiz at sa iba pang isyu na sa palagay ng publiko ay sumobra na raw yata sa ‘yabang’.

Sino ba naman ang hindi mag-iinit ang ulo sa inasal nito nang iduldol pa sa mukha ng security officer ang kanyang ID o ano ba ‘yon privilege pass?.

Hindi pa ‘yon, hindi na nga pinansin at mistulang pinabayaan na, bumalik pa ang ‘cong’ at hinablot ang ID ng security personnel, eh ‘di talagang sumobra pala ang sumpong nito.

Anong simpatiya o pang-unawa ang maibibigay dito ng publiko, isipan pang ikaw ay isang opisyal ng gobyerno na dapat ikaw nga ang magpakita ng magandang halimbawa sa pagsunod sa mga ipinatutupad na batas lalo pa nga’t sa tanggapan ninyo ginagawa ang mga batas.

Walang puwang sa publiko ang isang public servant na abusado at hindi marunong gumalang sa trabaho ng iba.

Sa una niyang ikinakatwiran na kaya siya nagalit ay dahil sa may nauna sa kanyang Chinese –looking na pasahero na hindi naman daw sinita at hindi nagawang paalisin ang sapatos ng naturang binully niyang airport security pero hindi niya dapat gawing dahilan.

Sakaling totoo ito, gaya nang kanyang sinasabi (pero lumalabas sa kuha ng CCTV, walang dumaan na Chinese-looking bago ang solon na sinasabing hindi sinita ng security) , bakit kailangan niya itong gayahinj, alam niyang mali bakit kailangan ganun din ang kanyang gawin.

Maging leksyon na rin ito sa ilan pang abusadong opisyal na gobyerno. Ang lawak na ng social media na konting palpak sa kilos lalu na’t kilala eh kakalat sa buong kapuluan na tiyak ikaw ang mapupulaan.

Dapat sila ang maging huwaran sa pagsunod sa lahat ng batas at patakaran, hindi sa pag-abuso at panunuya sa ibang tao.

Related video:

vuukle comment

ANICETO BERTIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with