^

Punto Mo

EDITORYAL - Dalhin na sa Munti si Palparan

Pang-masa
EDITORYAL - Dalhin na sa Munti si Palparan

MAHIGIT dalawang linggo na ang nakarara-an mula nang hatulan ng habambuhay na pag-kabilanggo ng Malolos Regional Trial Court si retired Army general Jovito Palparan pero hanggang ngayon, nasa kustodiya pa rin siya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Fort Bonifacio. Hindi nasunod ang utos ni Judge Alexander Tamayo na dalhin agad sa National Bilibid Prisons si Palparan.

Malaking katanungan kung bakit nananatili pa sa piling ng mga sundalo sa Fort Bonifacio si Palparan gayung may utos na ang korte. Sabi ni Linda Cadapan, ina ng isa sa mga estudyanteng kinidnap nina Palparan, nilalabag ng AFP ang batas at isa itong krimen. Binabaluktot umano ng AFP ang batas. Sabi naman ng Philippine Army, nangangailangan pa sila ng clarification sa RTC Branch dahil sa conflicting orders.

Hinatulan sina Palparan at dalawa pang sundalo noong Setyembre 17 dahil sa mga estudyanteng sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan noong 2006. Inatasan din ng korte sina Palparan at dalawang tauhan na magbayad ng tig-P100,000 civil indemnity at P200,000 para sa moral damages. Pagkatapos ngang basahan ng sentensiya, agad iniutos ng judge na dalhin sa National Bilibid Prisons (NBP) ang tatlo. Minura pa umano ni Palparan ang judge, makaraang basahin ang sentensiya.

Si Palparan na binansagang “berdugo” ng mga militante ay nahuli noong Agosto 2014 mula nang magtago noong Disyembre 2011. Limang milyong piso ang reward sa “berdugo”. Tatlong taon siyang nagtago bago nahuli sa isang nirerentahang bahay sa Sta. Mesa, Manila, malapit sa Polytechnic University of the Philippines (PUP). Mga agent ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nakahuli kay Palparan.

Labindalawang taon ang lumipas bago nahatulan sina Palparan at ngayon ay tila gusto na namang mabago ang hatol. Dapat sundin ang utos ng judge. Nararapat nang dalhin ang “berdugo” sa bilangguang nakalaan sa kanya. Habang kinakandong siya ng AFP, madarama pa ng mga kaanak ng mga biktima ang sakit ng pagkawala. Hayaan nang mabulok sa bilangguan ang nagkasala.

vuukle comment

JOVITO PALPARAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with