^

Punto Mo

Ang pangit kong love story (Part 5)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Aba, ginoong lalaki, napupuno ka ng apog,

Anong karapatan mo, pagkatao ko’y ipahalughog,

Ang ganoong ugali, hindi kalugod-lugod,

Sa halip na dyowain, sarap ipabugbog.

SA pagmamadali kong lumabas sa aming bedroom para sagutin ang tawag sa telepono ng aking ama, ako’y lumabas na naka-bra lamang. Nakapalda ako kaya nasa isip ko ay naisuot ko ang blouse. Nagkataon naman na umakyat sa 2nd floor ang lalaking itinutukso sa akin para gumamit ng bathroom. Nagkasalubong ang aming paningin, saka bumaba ang pansin niya sa aking dibdib. Tiningnan ko kung ano ang tinitingnan niya sa aking dibdib. Napasigaw ako:  Diyoooos ko!!!

Umalis sa boarding house ang lalaking iyon na hindi kami naging close kagaya ng ibang male boarders. Nauna kasing madebelop ang “hiya” namin sa isa’t isa. Pero wala namang panghihinayang dahil hindi siya ang lalaking gugustuhin kong maging “ex” or “future” boyfriend.

Nagsawa na rin ang aking kapalaran na itukso sa lalaki. This time, isang lalaki ang nanligaw sa akin. Boarder siya ng katapat na boarding house namin. Kung noon ay torpe, ang isang ito naman ay sobrang bibo. Hindi pa man kami magkakilala nang personal at hindi pa nakakaakyat ng ligaw, marami na siyang nakalap na personal information tungkol sa akin. Ang galing mag-imbestiga, parang taga-NBI. Kinilabutan ako. “Creepy” ang lalaking ito.

May schedule ako sa school na hanggang 8:00 p.m. Mula sa unibersidad ay maglalakad ako pauwi sa aming boarding house. May dinadaanan akong kalye na medyo madilim kaya patakbo ang aking paglalakad. Walang anu-ano ay may lalaking humarang sa aking dadaanan. Pagtunghay ko…ang lalaking “creepy”.

(Itutuloy)

vuukle comment

LOVE STORY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with