^

Punto Mo

Ang PDEA vs droga, bow!

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

MARAMING beses nang magaganda ang mga huli ng mga ahente ng PDEA bukod sa bulto-bultong illegal drugs buhay ang mga nahuhuli nila at hindi namamatay.

 

Sayang!

Last week puro Chinese Hong­kong people ang nasungkit ng PDEA bukod sa sinasabing mga courier ay kumpirmadong mga drug chemist ang iba sa mga nahuli lalo na nang matukoy nila ang ‘mini kitchen drug laboratory’ sa Pasay City.

Posas ang inabot ng mga tsekwang nahuli sa isang mamahaling condo pati salapi nila ay nasopla at mga gawang shabu ay nakumpiska.

Ika nga, all accounted for!

Ang mini-laboratory ng mga tsekwa ay kayang-kaya makagawa ng mahigit sa 100 kilo ng shabu a day kaya naman palakpakan ang madlang pinoy na naka-balita sa pangyayari.

Sabi nga, hurrah, hurrah, PDEA!

Buhay at hindi kumikisay ang mga natimbog na tsekwa ng PDEA kaya naman sa mga susunod na days ay tiyak mas maraming huli pa ng mga bultuhan droga ang masusungkit ng ating narcotics agents dahil siguradong pakakantahin nila ang mga nahuli nilang tsekwa.

Ika nga, kaya binuhay sila? Hehehe!

Nagtataka ang madlang pinoy ang lalakas ng loob ng mga international drug syndicate na magpasok ng bulto-bultong shabu sa Philippines my Philippines.

Bakit kaya?

Sagot - wala kasing ‘death penalty’ na mangyayari sa kanila sa korte.

Ganoon ba?

Ang mga nasungkit na mga tsekwang drugs syndicate ay hindi makapagsalita ng ‘tagalog’ kaya naniniwala ang karamihan na may mga nakapatong na noy-pi sa kanila para makakilos ng maayos sa Philippines my Philippines.

Sana makumbinsi natin sa pamamagitan ni Boss Digong ang Chinese government na magkaroon ng palitan ng preso.

Sabi nga, pinoy to tsekwa o tsekwa to pinoy!

Basta ang pagtutuunan pansin lamang ay ang tungkol sa mga kasong droga.

Gusto kaya ng mga tsekwang nahuli sa Philippines my Philippines na mai-swap sila sa pinoy preso roon?

Sana matuloy ang planong ito?

Kung tutuusin karamihan sa madlang pinoy na nahuli sa China ay mga drug mule o courier lamang samantala ang mga nahuling tsekwa sa Philippines my Philippines ay karamihan miembro ng sindikato at mga drug chemist?

Ano kaya ang mainam?

Abangan.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with