^

Punto Mo

Ang pangit kong love story (Part 4)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

… oh supladong pag-ibig, hindi mo lang batid, mabuti pang minahal at pinagtaksilan. kaysa balewalain ng lalaking nakasana-yang mahalin, dahil sa tuksuhan.

 

NOONG ako’y nasa second year high school ay may itinukso na naman sa akin. Tisoy siya, matangkad at magaling sa math. Sobrang tahimik. Bihirang magsalita. Dalawa lang na lalaki ang friend niya. Nakatuwaan ng aking mga kaklase na itukso kami sa isa’t isa. Kahit tumagal hanggang 4th year ang tuksuhan, hindi man lang natuksong ligawan ako kahit minsan. Ako ay nadebelop sa kanya pero bakit ganoon, hindi man lang siya nagkaroon ng feelings sa akin kahit one percent? Nawindang ako sa ideyang iyon. Himutok ko sa aking sarili: Mahabaging patron ng mga loveless, ganoon na ba ako kapangit para hindi man lang makiliti ang puso niyang totorpe-torpe? Noon ay 1976. Nakatakda ko palang malaman ang dahilan kung bakit walang development sa tatlong taong tuksuhan, sa future class reunion namin sa 2018.

Kung may babaeng ligawin, ako naman ay tuksuhin. Noong college, sa boarding house, nakatuwaan na naman akong itukso sa isang boardmate. Itinukso kami sa isa’t isa dahil pareho kaming walang “ganap” ang lovelife. Kaya lang, awkward palang itukso ka sa iyong housemate.

Ang toilet ng boarding house ay nasa second floor. Ang kuwarto ng mga babae ay nasa second floor din. Ang mga lalaki ay nasa ground floor. Ang telepono ay nasa second floor na dinadaanan patungo sa toilet. Ang telepono noon ay may circle na iniikot pa ng daliri para maka-dial ng numero. Minsan habang ako’y nagbibihis ay may tumawag sa akin sa telepono. Tatay ko raw. Na-excite ako dahil hindi ako tinatawagan ng parents ko sa telepono. Sa isip ko, emergency siguro. Nakalimutan kong naka-bra lang ako nang lumabas ng bedroom pero nakapalda naman. Tapos na kaming mag-usap ng aking ama at ibinababa ko na ang telepono nang pumanhik ang lalaking itinutukso sa akin dahil gagamit siya ng toilet. Ako ay napasigaw. Naka-bra lang pala ako! (Itutuloy)

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with