^

Punto Mo

Naputulan na ng paa, ginugulangan pa!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ISA na marahil sa nakabibilib na katangian ng Pinoy ang pagiging madiskarte. Ano mang problema o gusot ang mapasukan, kayang-kayang lusutan. ‘Yun nga lang, dumadating sa punto na kapwa Pinoy din ang inuutakan. Kanya-kanya ng diskarte, makapanlamang lang sa kasamahan.

Madalas na nalalamangan, ‘yung mga pobre at hamak na empleyado lang. Habang ‘yung mga mapanlamang, employer na magugulang.

Mahigit singkwenta porsiyento ng mga natatanggap naming reklamo sa Bitag Action Center, may kinalaman sa trabaho. Mayroong sinibak ng walang dahilan, ‘di pinasasahod ng tama at ‘yung iba naman benepisyo ang ‘di hinuhulugan.

Iisa lang naman ang common denominator ng mga putok sa buhong ganid na employer, ang utakan ang kanilang mga empleyado at maisahan ang mga ito. ‘Yan ang ‘di hahayaang mangyari ng aming tanggapan.

Nito lamang Lunes isang ginang ang humingi ng payo sa Bitag Action Center. Kuwento niya, naputulan ng paa ang kanyang anak habang naka-duty ito sa trabaho bilang bus conductor. Hindi naman daw sila pinabayaan ng bus company sa ospital at sinagot ang lahat ng kanilang gastusin na umabot ng mahigit P100,000.

Pero matapos makalabas ang pobre, wala na raw silang natanggap na suporta mula sa kompanya. Ang siste, pinapipirma pa sila ng quit claim sa halagang P10,000 para wala nang habol ang pamilya. Aba teka, mukhang may mali ata?!

Personal kong tinawagan ang inirereklamong bus company. Paliwanag nila, requirement ito para sa makukuhang insurance ng biktima. Dagdag pa nila, ang P10,000 ay financial assistance lang daw para sa empleyado nila.

Pero teka muna, mukhang may problema?! Bakit kinakailangan ng quit claim para sa insurance na makukuha ng biktima? Malayo ang pagkakaiba ng quit claim sa financial assistance. Sa oras na pirmahan mo ang quit claim, para mo na ring pinutol ang ugnayan mo sa kompanya. Samakatuwid, wala ka nang habol sa kanila.

Kami pa talaga gagawin niyong tanga?! Dito rin ako bilib sa mga loko-lokong kumpanya, empleyado na nila ‘yung naagrabyado lalamangan pa! Hindi naman yata tama yun mga boss. Kung maayos na nininilbihan ang inyong mga empleyado, suklian n’yo naman kahit papaano.

Gayunpaman, malinaw ang payo ng Bitag-Kilos Pronto. Huwag silang pumirma ng quit claim hangga’t hindi nila nakikita sa harap nila ang halagang ipinangako bilang areglo. Siguruhing nasa harap na nila ang pera o tseke, kapalit ng areglo sa pagkaputol ng paa ng kanyang anak sa nangyaring aksidente.

vuukle comment

PINOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with