^

Punto Mo

Ang pangit kong love story

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Part 2)

… bubot na pag-ibig, huwag pitasin, hayaang sa puso ay bibitin-bitin, upang mangiliti sa puso at damdamin.

SA ganoong pagkakataon na napahiya ako sa buong klase. Isama pa rito na ang pakiramdam ko’y inapi ako ng espesyal na taong itinatangi ng aking puso. Kaya’t ang magagawa ko lang para maitayo ang aking pride ay takutin si Butch.

“Isusumbong kita sa Tatay ko” sabay hagulgol na may kasamang pagsinok.

Kinabukasan ay Sabado, pinuntahan ni Tatay si Butch sa kanilang bahay. Wala pa raw sinasabi ang aking tatay ay umiyak na ito at paulit-ulit na nangako na hindi na niya ako sasaktan. Naging mabait na sa akin si Butch pero nawala na ang crush ko sa kanya.

Akala ko ay tatahimik na ang buhay ko. Biglang itinukso sa akin si Jun ng aking mga kaklase. Magkapartner kami sa folk dance na sinayaw namin sa isang school event. Simula noon ipinagsasabi niya sa mga kaklase ko na love daw niya ako. Lagi siyang luma­lapit sa akin at kung anu-ano ang ibinibigay—magandang lapis, mabangong eraser at tinapay. May bakery kasi sila. Kaso hindi ko siya crush. Ibinabalik ko ang tinapay pero hindi ang lapis at eraser na amoy bubble gum. Wala akong ganoong gamit.

Kaya lang, minsan ay napapasobra na ang panunukso ng aking mga kaklase kaya umiiyak ako. Ang pinsan kong lalaki na kaklase ko ang nagsumbong sa aking tatay. “Tito, may gusto si Jun kay Ana.”

Bumaling si Tatay sa akin at hinaplos ang aking ulo, “Gusto mo naman siya?”

Umiling ako. “Pangit!” maikling sagot ko kay Tatay

“Tito si Butch kasi ang gusto niya.”

Nagtawa ako. Pero isang araw, magsisisi ako. Dahil ang pangit na inayawan ko ay magta-transform sa poging may malakas na sex appeal. (Itutuloy)

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with