^

Punto Mo

‘Nagpapiktyur pa kami ni Mayor, ‘di naman pala ako ang nanalo!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

DAHIL na rin sa utos ng Presidente, unti-unti nang naglalabasan ang mga bagong proyekto ng iba’t ibang departamento ng gobyerno. Iisa ang kanilang layunin, ang mapagaan ang buhay ng mga kapuspalad nating kababayan.

Kamakailan lang ay inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang “Kabuhayan Negosyo Cart Project” para sa mga taga-Camiling, Tarlac.

Isa sa mga benepisyaryo ng proyekto ay si Nanay Narcisca Barlogo na 35 years nang sidewalk vendor ng kakanin at miryenda tulad ng banana cue. Malaking bagay sana ito sa kanya, ‘yun nga lang ang pangakong pangkabuhayan, napurnada!

Kuwento ng pobreng matanda, ipinatawag daw siya sa munisipyo at pinapirma dahil isa siya sa mga napiling pagkalooban ng pangkabuhayan package sa ilalim ng Kabuhayan Negosyo Cart Project ng DOLE.

Pero tila nagbago ang ihip ng hangin. Matapos kasi ang photo op ni Nanay Narcisca kasama si Mayor, nilapitan siya ng isang empleyado ng munisipyo at binabawi sa kanya ang ibinigay na regalo.

Parang lumalabas tuloy na palabas lang ni Mayor ang lahat. Dahil sa sama ng loob, agad na lumuwas ng Maynila si Nanay Narcisca at personal na nagtungo sa BITAG Action Center.

Bilang tugon sa reklamo, tinawagan ng aming team ang opisina ni Mayor at nakausap namin ang kanilang municipal admin na si Tony Gorospe. Napag-alaman namin na hindi pala talaga si Nanay Narcisca ang nanalo kundi ang anak nito. Ipinaalam lang din sa kanya na nanalo ang anak kaya siya ipinatawag.

Mukhang nalito lang si Nanay, kasi nga naman bakit siya ang piniktyuran kasama ang push cart ng hindi naipapaliwanag sa kanya nang maayos. Kung titingnan, may pagkukulang din lalo na itong si Madam Nelly na kumbaga sa teleserye, e siya ang kontrabida.

Gayunpaman, sa ngalan ng serbisyo publiko, nakiusap na rin kami sa kanya. Hiling namin, baka puwedeng matulungan din ng butihin nilang mayor si Nanay Narcisca. Sa loob ng 35 taon ng pagkayod, siguro naman, karapat-dapat din siyang mabigyan ng pabuya.

Pangako naman ni Tony Gorospe, ipararating niya ito kay Mayor at sisiguruhin niya na matutulungan nila ang matanda.

Tulad ng palagi kong sinasabi, hindi lahat ng bagay nadadaan sa pagtatalo at pambabraso. Kung minsan, kailangan mo lang maging malumanay at idaan ang lahat sa mabuting usapan.

vuukle comment

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with