^

Punto Mo

East Avenue sa QC, i-clear din sa illegal parking

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Inaaraw-araw talaga ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang clearing operation sa mga sagabal sa daan na nagsasanhi ng matinding trapik partikular sa mga itinakdang Mabuhay Lane.

Paghahanda na rin kasi ito sa inaasahang lalo pang pagbigat ng daloy ng trapiko lalu na nga’t pumasok na ang ‘ber months’ na ang ibig sabihin nalalapit na ang holiday seasons kung saan dagsa na ang mga shoppers.

Inaasahan na rin ang kabi-kabilang mga sale ng iba’t-ibang malls kaya baka hindi lang madoble ang trapik kundi ma-triple pa.

Masasabing nagiging tagumpay ang MMDA sa kanilang kampanya dahil yung ibang lugar na dating nagsisikip sa trapik dahil sa mga nakaparadang sasakyan at iba pang obstruction na kanilang inoperate, ngayon ay nakikitaan na ng liwanag.

Bagama’t marami sa ating mga kababayan ang madaling kausapin, siyempre meron pa ring mga pasaway.

Magkagayunman, may puna naman ang maraming motorista, bakit nga raw kasi hindi ma-clear ng MMDA ang kabahaan ng East Avenue sa Lungsod Quezon kung saan sangkaterbang mga sasakyan karamihan pa nga ay naglalakihang bus na pinaghuhuli ang nakahimpil dito na siya ding dahilan kung bakit grabe ang trapik sa lugar. Pangunahing daan pa naman ito, bakit daw ganon?

Ginawa ng yatang impounding area ang kalsada, na karamihan sa mga sasakyan dito eh kinapitan na yata ng talaba dahil sa matagal nang pagkahimpil.

Ano ba talaga ang balak ng LTO o ng LTFRB sa mga sasakyang itong sagabal na sa daan.

Sana raw eh makita rin ito ng MMDA .

Ito ang talagang obstruction sa lansangan na talagang pangmatagalan.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with