^

Punto Mo

Matandang Tinali (221)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI alam ni Dong kung nasaan si Manong Naldo. Ang sabi nito kanina, sa likod ng kubo siya mag-aabang at maghahanda sa pagdating ni Joemari. Sana makita ni Manong Naldo ang pagbaba sa hagdan ni Joemari habang hawak si Joy. Makagawa sana ng paraan si Manong Naldo para mailigtas si Joy.

Walang magawa si Dong sapagkat nagbanta si ­Joemari na babarilin si Joy kapag sumunod. Kaya nanatili lamang si Dong sa kinatatayuan habang bumababa sa hagdan sina Joemari.

Kanina, nag-iisip na si Dong na dambahin si ­Joemari habang hawak si Joy pero pinigil niya ang sarili. Baka magkamali siya ay si Joy ang magdusa. Baka bigla itong barilin ni Joemari. Pinasok na ng demonyo ang utak ni Joemari at lahat nang maisip ay gagawin nito. Wala nang nadaramang awa sa kapwa.

Parang tumigil ang ikot ng mundo para kay Dong. Wala siyang magawa. Hindi siya makakilos sapagkat malalagay sa panganib si Joy.

Hindi rin kasi nagkaroon ng pakinabang ang ginawa nilang patibong laban kay Joemari. Natunugan ng demonyo na may nakaabang na bitag kaya nag-ingat. Nawalan ng saysay ang plano niya. Ngayon ay hawak pa nito si Joy. Nangako pa naman siya kay Joy na hinding-hindi na niya ito pahahawakan kay Joemari.

Sinisisi ni Dong ang sarili. Kapag may nangyari kay Joy, makokonsensiya siya. Siya ang dapat sisihin sapagkat nakapangako siya rito.

Walang magawa si Dong kundi umusal ng dasal.

Samantala, pababa na sa huling baytang ng hagdan sina Joemari at Joy.

“Bilisan mo! Atat na ako. Matagal mo akong sinabik. Alam mo bang matagal kitang pinahanap? Mabuti at nakita ka sa lugar na ito. Tayo rin pala sa dakong huli, ha-ha-ha!’’

“Bitiwan mo ako! Patayin mo na ako!’’

“Oo. Papatayin kita pero pagsasawaan muna kita. Gusto ko roon tayo sa sapa na madalas daw ninyong pagliguan ng siyota mong lampa. Gusto ko maligo tayo. Sisisirin kita, ha-ha-ha!”

“Hayop ka! Demonyo!”

“Tumigil ka! Babarilin na kita!”

“Sige barilin mo ako! Barilin mo ako!”

Kinaladkad siya ni ­Joemari.

“Bitiwan mo ako!”

Lingid kay Joemari, nakakubli si Manong ­Naldo sa di-kalayuan. Hawak nang mahigpit ni Manong ang matalas na itak.

Lalapit siya nang dahan-dahan sa demonyo at tatagain niya. Siya ang tatapos sa kasamaan nito!

(Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with