^

Punto Mo

Mga ‘batang hamog’ nagiging marahas

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mistulang nagiging wild na talaga ang mga ‘batang hamog’ o mga kabataang palaboy sa lansangan.

Madalas na nakukunan ng mga netizen ang pagkakasangkot ng mga ito sa ibat-ibang kaguluhan, gayundin ang madalas na pangha-harass ng mga ito sa mga pasahero lalo na sa mga pampublikong jeepney.

Noon lamang nakalipas na linggo muling naaktuhan ng kuha na nag-viral pa sa social media ang ginawang pagkuyog ng isang grupo ng mga kabataan sa isang matandang lalaki.

Kitang-kita kung paano hinila pababa ng jeep ang matanda at saka kinuyog ng bugbog ng mga kabataan na sa isinagawang follow up operation ay nadakip din naman ng pulisya.

Nagkakaedad ang mga ito mula 9-anyos hanggang 16-anyos.

Bagamat sa bersyon ng mga kabataan, nagawa nilang saktan ang matanda matapos na bastusin at hipuan umano ang isa nilang 16-anyos na kasamahan kaya nila ito niresbakan.

Hindi lang naman ‘yon ang nasaksihan at nag- viral sa social media na mga karahasang kinasasangkutan ng mga menor de edad.

Sa isang pangyayari makikita kung paano sumakay ng jeep ang isang grupo ng mga kabataan o ‘batang hamog’ at inaagaw ang pagkain o gamit ng isang pasahero. Makikita pa kung paano mula sa labas ng jeep ay sinabunutan ng isang dalagita  ang pasaherong babae.

May insidente pang dinuduraan ng grupo ng mga batang hamog ang mga pasahero na kanilang tina-target sa loob ng jeepney.

Sa isa pang insidente, maging ang lagayan ng barya ng isang driver ng jeepney ay inagaw ng palaboy na may kasamang batang lalaki.

Madalas din na may modus na umaakyat sa jeepney ang mga pasaway na kabataan na may dalang envelope na iniaabot sa mga pasahero.

May insidente na kapag hindi nagbibigay bago bumaba ng jeep ang pasaway na batang hamog, eh sinisipa o sasaktan ang pasahero sabay takbo.

Dapat kasi sa ganito , sinasaway ng mga driver ang mga umaakyat sa kanilang mga sasakyan, mistulang maging sila eh takot sa mga ‘batang hamog’ dahil hindi nila ito mapababa ng kanilang sasakyan.

Mukhang sumosobra na ang mga ito na ang ipinangangahas ay hindi naman sila pwedeng ikulong dahil sa sila ay mga minor.

Tanging sa DSWD itinu-turn over ang mga ito, pero madalas nagsisitakas kaya ayun balik sa pambubulabog sa lansangan.

Marahil dapat din itong tutukan ng mga local government na mawalis sa lansangan ang mga palaboy na kabataan na hanggang maaga ay maiwas sa mga ilegal na gawain.

Dahil kung hindi, malamang na maging matinding problema ang mga ito sa hinaharap kapag hindi naagapan.

vuukle comment

KABATAANG PALABOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with