^

Punto Mo

Sir Tabeg, bayani ng mga Aeta!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

TUNGHAYAN natin ang success story ni Yves Clark Fabregas, isang guro na pinarangalang Outstanding Professional ng Zambales noong 2015 at Huwarang Guro ng DepEd Zambales noong 2017. Si Fabregas o Sir Tabeg ay pinadala ng DepEd noong 2012 sa bundok ng Villar sa Botolan, Zambales para magturo sa mga Aeta, ayon kay Fe “Epang” Domulot Balbin, tribal chieftain o Indigenous Knowledge Systems and Practices (IKSP) facilitator ng Zambales, Region 3. “Huminga ako nang malalim. Naisip ko, sana mahalin niya kami. Ang mga anak namin, ang aming kulay, ang aming amoy at pagkatao,” sabi ni Balbin patungkol sa unang pagkikita nila ni Fabregas. Subalit sa loob ng limang taon na pamamalagi at pagtira ni Sir Tabeg sa kanilang pamayanan, subok na ni Balbin ang kadakilaan ni Sir Tabeg na itinuring nilang kapatid. Yumakap din ito sa kanilang mga Aeta at hindi nahihiyang magsuot ng bahag at magsabi na siya ay Aeta.

Sa Botolan nakatira ang mga Aeta. Sila ay tinaguriang lubos na Alyansa ng mga Katutubong Ayta, ang grupo na lumisan sa kanilang kinalakhang tahanan matapos pumutok ang Bulkang Pinatubo. Ilang beses ding naglakbay ang tropa ni Balbin upang maghanap ng lugar kung saan mamumuhay sila ng matiwasay at mapakain ang kani-kanilang sarili, lalo na ang mga kabataan. Ayon kay Balbin, may ilang lugar kung saan sila ay tinanggap subalit ilang beses din silang pinagsawaan. Nakipaglaban sila para mabigyan ng paaralan at maging edukado para hindi maloko ng kapwa nila Pilipino. “Ngunit kinapos kami ng mga guro na nais magsilbi sa isang liblib, tuyot, gutom, at walang kakulay-kulay na mundo,” sabi pa ni Balbin. Dininig ang kanilang panalangin sa pagsulpot ni Sir Tabeg.

Mainit ang sikat ng araw nang dumating doon si Fabregas. Nakasalamin ito, maputi, mataba, mukhang mayaman, at bitbit ang isang bag. Bakas ang pagod sa kanyang mukha. “Sa paglipas ng panahon, pinatunayan ng aming mahal na guro na tinawag naming “Tabeg” (mataba) na isa siyang tunay na taong nakisama sa amin,” sabi ni Balbin. Hinasa niya ang galing ng mga bata sa pag-awit na madalas magpanalo sa kanila sa mga patimpalak. Naging mas mahusay ang mga bata sa pagsasayaw. Namukod-tangi sila sa pag-arte kung saan umabot sila sa pangrehiyong paligsahan. Naging kampeon pa sa campus journalism– copyreading, cartooning, photojournalism, editorial writing, at lumaban sa pangrehiyong kompetisyon. Nagwagi ang mga bata sa halos lahat ng kanilang sinalihang timpalak katulad ng landscaping, cooking, makeup and hairstyling, pagbabalita, poster, slogan, at collage making, iba’t ibang uri ng isports, deklamasyon, at iba pa.

 “Naging matunog ang aming maliit na paaralan, ang Lakas High School. Dumami ang nagkainteres. Dumami ang tumulong. Naging kampeon sa Brigada Eskwela nang ilang taon. Umani ng tagumpay sa Gulayan sa Paaralan. Umunlad ang mukha ng paaralan, ngunit higit sa lahat mas umunlad ang pagtingin namin sa aming mga sarili,” dagdag pa ni Balbin.

Nagsilbi rin si Sir Tabeg bilang community nurse. Siya ang aming naging takbuhan. Nagtayo rin siya ng botika na mura ang gamot para sa mga katutubo. Hehehe! Masuwerte ang mga kababayan natin at nagkaroon sila ng isang Sir Tabeg. Abangan!

vuukle comment

YVES CLARK FABREGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with