^

Punto Mo

Tama na ang satsatan, super typhoon ang tutukan, paghandaan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ngayong nagbabanta ang isang malakas na bagyo na tatama sa bansa partikular sa Northern Luzon, pwede ba, ‘mag-ceasefire’ muna ang mga politiko sa kanilang mga pagsasatsatan at ituon na muna ang pansin sa gagawing mga paghahanda para sa ating mga kababayan.

Nito kasing nakalipas na mga araw nakakauyam na ang mga balitaktakan sa isyu ng politika lalo na ang isyu kay Sen. Trillanes na sangkaterba rin ang sumasakay at nag-iingay.

Kaya nga yata hindi na napapansin ang walang humpay na pagtaas ng mga bilihin.

Habang hindi magkandaugaga ang publiko sa kung paano pagkakasyahin ang kanilang budget dahil sa mataas na bilihin, aba’y hindi rin magkandaugaga ang mga politiko o mga opisyal sa gobyerno kung paano sasawsaw sa mga isyung wala namang kapakinabangan ang mga naghihirap na mamamayan.

Ngayon ay may nagbabantang kalamidad na posible pa ngang maging super typhoon na dapat ay dito na muna magpokus ang gobyerno at iba pang opisyal na pamahalaan, kalyado man o hindi.

Huwag muna ang kanya-kanyang mga pansariling interes ang paingayin kundi ang kapakanan at pangangailangan ng mga kababayan natin na maaaring maaapektuhan ng parating na kalamidad. Ito ang dapat na matututukan at dapat na mahigpit na paghandaan sa kasalukuyan.

Iba na ang handa.

Baka kasi mabulaga na naman ang marami katulad ng nangyari sa bagyong Yolanda.

Sana natuto na sa mga nakaraan nang sa huli’y walang sisihan.

vuukle comment

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with