^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag pabayaan, mga batang na-Dengvaxia

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag pabayaan, mga batang na-Dengvaxia

NAGDUDULOT ng pangamba sa mga magulang ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia ang isinasaad na mga kataga sa P1.161 bilyong supplemental budget na ipinasa ng Senado kamakailan. Nakasaad na “dengue patients” lamang ang makakatanggap ng financial support at wala roon ang katagang “Dengvaxia vaccinees”. Sa bersiyon ng House, maliwanag na ang mga nabakunahan ng Dengvaxia ay kabilang sa mga makakakuha ng financial support sa gobyerno. Ngayong naipasa na ang supplemental budget, paano ang hinaharap ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia. Hahayaan na lamang ba sila sa kalagayan na hindi naman nila ginusto?

Nasa 800,000 school children ang nabakunahan ng Dengvaxia noong 2016 sa ilalim ng immunization program ng Department of Health (DOH). Karamihan sa mga nakatanggap ng bakuna ay mga batang may 9 na taong gulang. Marami sa mga nabakunahan ang nasa National Capital Region, Central Luzon at Region 4. Ang bakuna ay ginawa ng Sanofi Pasteur at naisagawa noong panahon ni dating President Noynoy Aquino at sa ilalim ni DOH Sec. Janet Garin. Nagkakahalaga ang bakuna ng P3.5 bilyon.

Noong Nobyembre 2017, ipinahayag ng Sanofi na palulubhain ng Dengvaxia ang dengue kapag naibakuna sa bata na hindi pa nagkaka-dengue. Maraming sinabi ang Sanofi ukol sa Dengvaxia na nagdulot ng takot sa mga magulang sapagkat lumalabas na maraming bata na hindi pa nagkaka-dengue ang nabakunahan. Nagkaroon ng mga pagdinig sa Senado at maski si dating President Aquino ay naimbitahan. Pero walang napuntahan ang pagdinig at sa halip ay pawang pagtuturuan lang ang nangyari. Lumalabas na minadali ang pagbili ng Dengvaxia at agad binakuna kahit na wala pang dalawang taon ang itinatagal ng clinical trial. Hindi rin nagkaroon ng pagkuha ng blood sample sa mga batang binakunahan. Ayon sa report, marami nang bata ang namatay at sinisisi ang pagkamatay sa Dengvaxia. Halos pare-pareho ang sintomas ng mga batang namatay.

Ngayon, panibagong pangamba ang dulot ng ipinasang budget na maaaring walang makuhang financial support ang mga nabakunahan ng Dengvaxia. Nararapat kumilos ang DOH ukol dito. Sila ang nararapat humarap sa Senado. Huwag pabayaan ang mga batang na-Dengvaxia.

vuukle comment

DENGVAXIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with