^

Punto Mo

Angkas muling mamamayagpag!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kung may natuwa sa muling pagbabalik kalsada ng app-based motorcycle ride service na Angkas, meron din naman na hindi ito nagustuhan.

Noong lamang nakaraang linggo naglabas ng preliminary injunction ang Mandaluyong Regional Trial Court (RTC) na nagpapahintulot sa muling pag-arangkada ng Angkas o motorcycle taxis.

Ikinadismaya naman ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang naging desisyon ng korte.

Nakaraang taon ng tumigil sa kanilang operasyon ang Angkas matapos na pigilan ang mga ito ng LTFRB sa pamamasada. Kinokonsidera silang ‘kolorum’ na ang tanging layunin umano ay kumita at hindi nabibigyang pansin at binabalewala ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Pero kahit pa sabihing may panganib sa mga tumatangkilik ay pumatok ang Angkas sa mga mananakay.

Ito ay dahil na rin sa matinding trapik na nararanasan lalo na sa Metro Manila, gayundin sa paglala ng suliranin sa transportasyon, aberya sa mga mass transport.

Sa pamamagitan ng madaling naihahatid o nakakarating sa kanilang mga patutunguhan ang mga commuter lalo na nga’t sila’y nagmamadali.

Marami ang dapat siliping problema dito, kung kahit may panganib na sakyan o umangkas sa mga motorcycle taxis eh marami pa rin ang nakikipagsapalaran, talagang ang problema na gusto nilang iwasan eh ang matinding trapik sa lansangan.

Kung baga wala na silang masulingan, dati kasi kahit makipagpalitan na sila ng mukha sa kapwa nila pasahero sa MRT o LRT o kahit gaano man kahaba ang pila dito, ok lang sa kanila kasi madali silang nakakarating sa patutunguhan at ‘wag lang maranasan ang kalbaryo ng trapik.

Pero dahil nga sa madalas na aberya sa mass transport partikular ang MRT, na madalas eh napapababa pa sa riles humanap sila ng ibang alternatibo at nakita nila ito sa Angkas.

Ngayon naman lalong magsasanga-sanga ang mga motorsiklo sa lansangan, na isa yan sa magdadagdag ng trapik, kaya problema pa rin. Isipin na na maraming mga tulay ang o kalsada ang nakatakdang i-repair kasabay pa ngayong ‘ber months’, kaya lalu nang nagkalokoloko.

vuukle comment

ANGKAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with