^

Punto Mo

EDITORYAL - Bawal na ang plastic sa Boracay

Pang-masa
EDITORYAL - Bawal na ang plastic sa Boracay

BABALA sa mga may-ari ng restaurant, resort, hotel at iba pang business establishment sa Boracay, bawal na ang mga disposable plastic items. Kung noon, malayang gumagamit ng mga plastic para sa pagkain o inumin, ngayon ay hindi na. Tapos na ang mga araw na inabuso ang paggamit ng plastic na isa na naging dahilan para dumumi hindi lamang ang Isla ng Boracay kundi maging ang bayan ng Malay, Aklan. Ang plastic ban ay nakasaad sa Municipal Ordinance 386 at mahigpit itong ipasusunod.

Ang ordinansa ay sinuportahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ayon sa DENR magandang hakbang ang ginawa ng munisipalidad ng Malay sa pagbabawal ng mga disposable plastic. Malaking tulong umano ang ordinansa para tuluyang mawala ang mga basurang plastic na isa sa mga pangunahing problema ng munisipalidad lalo pa nga sa isla ng Boracay. Karamihan sa mga basurang plastic ay humahantong sa isla sapagkat tinatangay ng alon. Hindi lamang umano sa karagatan problema ang mga plastic kundi pati na rin sa kapatagan na nagbibigay nang hindi magandang tanawin. Mara-ming basura ang nagkalat sa Boracay noong hindi pa ito isinasara noong Abril.

Bubuksan ang Boracay sa susunod na buwan at inaasahang malinis na malinis na ito. Marami na ring bawal ngayon sa isla para mapangalagaan ang kalinisan. Hindi na uubra ang mga matitigas ang ulong may-ari ng resorts at restaurants na nagtatapon ng kanilang dumi sa dagat. Sabi ni President Duterte, “cesspool” ang Boracay. Ibig sabihin, poso negro ang karagatan ng Boracay. Dito nagsimula kaya pinasara ng Presidente ang sikat na island resort.

Dapat namang tularan ng ibang LGUs ang ginawa ng Malay na pinagbawal ang mga disposable plastic items. Ganito ang nararapat lalo pa’t sa isang lugar na maraming turista ang nagtutungo. Kung mapa-panatili ang zero plastic sa mga tourist destination sa bansa, mapapangalagaan ang kapaligiran. Maipagmamalaki ang kalinisan at hindi na kahiya-hiya. Hindi na tatawaging “poso-negro”. Gayahin sana ang Malay ng iba pang munisipalidad.

vuukle comment

HOTEL

RESORT

RESTAURANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with