^

Punto Mo

DPWH dapat lang kalampagin!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Muli at muli nating kakalampagin ang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na maipaliwanag sa mga mamamayan kung ano ba talaga ang kanilang pinagbabasehan para mabigyang prayoridad ang kanilang ginagawang mga road at drainage projects/repairs sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Ilang ulit na nating pinukaw ang pansin ng DPWH at iba pang concerned agencies ng kanya-kanyang lungsod at bayan sa Metro Manila pero walang sagot o malinaw na paliwanag.

Milyun-milyon ang budget na makikita mo sa kabi-kabilang karatula na ikinakabit nila.

Pero ang masaklap dito, ramdam umano ang palakasan.

May nakakapansin kasi na mukhang ang mga lugar na ginagawa ay ‘yun at ‘yun din at hindi nabibigyan ng kaukulang pansin kung anong lugar o kalsada ba ang talagang nanga­ngailangan na maisaayos o maitaas man lang o mapaganda ang drainage system dahil laging binabaha.

Ang Balete Drive sa Brgy. Mariana na kamakailan lamang yata ay nagkaroon na rito ng repair ngayon ayun hinuhukay na naman at naglalakihang concrete covert ang ilalagay. Napakataas na ng lugar na ito at malamang kahit anong lakas ng ulan hindi ito babahain.

Sa mga side street sa may E. Rodriguez Sr., halos lahat d’yan ay nagawa na, isa na lang yata ang naiiwan at hindi nabibigyan ng pansin ang street na laging binabaha.

Ang Ilang-ilang Street dahil lahat ng tubig sa mula sa itaas ay dito tumutuloy kaya ang St. na ito ang sumasalo nang lahat ng tubig lalo na kapag umapaw na ang hindi maayos-ayos na creek at hindi naiinspeksyong mga drainage.

Sigaw nga ng mga residente dito, pare-pareho din naman na nagbabayad ng tamang buwis pero mistulang nakakalimutan at pinagwawalang bahala ang kanilang lugar.

May tinitignan sa tinititigan!

Matagal nang idinadaing ng mga residente ang problema sa street na ito, pero walang pumapansin.

May ibang kalye nga dyan sa Mariana na pribado naman yata dahil may gate.

May iba pang kalsada kagagawa pa lang , binabakbak na naman . Pero ang dapat gawin mistulang napapabayaan.

vuukle comment

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with