^

Punto Mo

Batang babae sa China, ligtas matapos mawala sa kagubatan ng 4 na araw

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG toddler sa China na wala pang dalawang taong gulang ang himalang nakaligtas matapos mawala ng apat na araw sa kagubatan.

Matapos kumalat ang balitang nawawala ang batang babae na si Xiaojiao ay hindi nagpakanali ang mga mamamayan ng Rong, Guanxi sa pagsuyod sa kakahuyan ng isang burol doon sa paghahanap sa bata.

Nasa 700 mga katao kabilang na ang mga pulis sa lugar ang gumalugad sa masukal na gubat. Ayon sa ulat ng pahayagang Yulin Daily ay nawala si Xiaojiao habang nakikipaglaro sa kanyang dalawang kapatid.

Nang hindi bumalik si XIaojiao sa bahay nila para sa hapunan ay saka na siya hinanap ng kanyang amang magsasaka. Hindi naman kaagad naireport sa mga kinauukulan ang pagkawala ng bata kaya nalaman lamang ito ng mga awtoridad noong sumunod na hapon na.

Pinangambahan ng mga naghahanap kay Xiaojao na baka nalunod ito dahil tag-ulan ngayon sa kanilang lugar.

Mabuti na lamang at natagpuan nilang ligtas ang bata nitong Agosto 31. Bukod sa mga kagat ng insekto at galos ay nasa mabuting kalagayan si Xiaojiao, na naratnan nila sa isang madamong lugar malapit sa isang sapa.

Para sa isang pulis na naghanap kay Xiaojiao ay isang himala ang pagkakaligtas sa bata, na agad namang itinakbo sa pinakamalapit na clinic para sa paunang lunas.

vuukle comment

XIAOJIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with