^

Punto Mo

‘Itinagong dokumento, binawi ng Bitag-Kilos Pronto’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

TIWALA ang isa sa pinaka-importanteng bagay sa mundo. Bagay na hindi ipinagkait sa amin ng mga tao mula pa nung mag-umpisa kami sa aming serbisyo publiko noong 2002.

Mahigit 16 na taon na ang lumipas pero patuloy pa ring ipinararamdam sa amin ng mga tao ang pagtitiwala sa aming programa.

Kaya naman kahit gaano pa kalayo ang kanilang pinanggali-ngan, gagawa at gagawa sila ng paraan makarating lang sa aming tanggapan. ‘Yung iba nangungutang pa sa kapitbahay makaipon lang ng pamasahe o ‘di naman kaya nagsasanla ng mga gamit.

Si Marvin Paderanga, isang seaman cadet na nagmula pa sa probinsiya ng Zamboanga. Kahit nagkanda-utang-utang na, nagpumilit pa rin makapunta lang sa aming opisina. Ang kanyang problema, ‘di makuha-kuhang sea service certificate sa pinagtrabahuhan niyang kompanya.

Kuwento ni Marvin, July 2018 pa dapat niya makukuha ang dokumento. Pero sa ‘di mala­mang dahilan, ‘di ito maibigay-bigay ng MVPC Shipping Lines. Dalawang buwan siyang nagpabalik-balik sa nasabing kompanya para mag-follow-up.

Dahil walang makuhang matinong sagot, minabuti na lang niyang dumiretso sa aming tanggapan. Matapos marinig ang kanyang kwento, agad namin siyang tinulungan. Kinabukasan, kasama ang ilang kapulisan ng Manila Police District, sinadya namin ang inirereklamong kompanya.

Pagdating pa lang ng aming team, sinalubong na kami ng pagbubunganga ng staff ng MVPC. Imbes na umaksiyon, inuna pang sumatsat! Depensa niya, wala raw silang kasalanan kung bakit nagtagal ang pagkuha ng dokumento ng binata.

Pati cameraman namin, sinita. Ayaw magpakuha dahil nahihiya raw sila. Kung ‘di ba naman kayo mga sangkaterbang ‘gaygow’, gagawa-gawa kayo ng kalokohan tapos mahihiya kayo.

Sa hinaba-haba ng diskusyon, sa happy ending din naman ang tuloy. Ang staff kasi ng MVPC Shipping Lines natinag din sa MPD at aming team. Kaya ang sea service certificate na dalawang buwan nilang itinago, sa wakas nakuha rin ni Marvin.

Simple lang naman mga boss, kung ayaw n’yo ng gulo e di ‘wag kayong paloko-loko. Dahil kami sa BITAG-Kilos Pronto, wala kaming sinasanto. Isaksak n’yo ‘yan sa kokote para magtanda kayo!

vuukle comment

BITAG KILOS PRONTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with