^

Punto Mo

Payo ni BITAG sa mga nagmahal, naiwan, nasaktan

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

BUKOD sa pagiging hospitable, isa rin sa mga katangiang Pinoy ang pagiging malapit sa pamilya o close family ties. Ano mang problema o pagsubok ang pagdaanan, naniniwala ang mga Pilipino na madali itong malalampasan basta’t sama-sama at may pagtutulungan.

Pero sa paglipas ng panahon, tila unti-unti na rin itong nalilimutan ng mga Pinoy. Nitong mga nakaraang araw, kaliwa’t kanan ang mga problemang may kinalaman sa pamilya ang aming natatanggap at tinutulungan.

May mga sumbong ng asawa na bigla na lang iniwan at pinalitan habang yung iba naman nabuntis kaya tinakasan.

Nakakalungkot pero hindi na bago ang ganitong klase ng mga kwento at reklamo. Karamihan sa mga nabibiktima, mga kabataan. Dahil sa kakulangan ng gabay mula sa mga magulang, ‘di na nakapag-iisip ng tama. Madaling napapaniwala at kung kani-kanino nagtitiwala. Sa huli, tiyak mapapaisip at magsisisi.

Tulad ng reklamo ng isang ginang na naghahabol ng sustento sa dating kasintahan. Lakas loob na dumulog sa aming tanggapan dahil siya raw ay desperadang makita ang ama ng anak niya. Kwento ng babae, inanakan lang daw siya ng kinakasama pero hindi pinanindigan.

Si misis, umiiyak habang ikinukwento sa akin ang mga sakripisyo at paghihirap niya sa buhay para lamang maitaguyod ang kaniyang anak. Bilang respeto, pinakinggan ko ang lahat ng saloobin at galit ng ginang.

Matapos niyang magsalita, ipina-intindi ko sa kaniya ang sitwasyon. Pinukaw ko ang natutulog niyang kalooban. Payo ko sa kanya, lumaban siya at ‘wag pag-aksayahan ng luha ang lalaking walang kakwenta-kwenta.

Hindi na dapat umasa sa mga ganon klaseng tao at hindi niya na dapat ito pinag-aaksayahan ng panahon. Dapat una palang maging malaya na sa nararamdaman at ‘wag na ipilit ang gustong mangyari para ‘di masaktan! ‘Wag maging masokista dahil ‘alang pupuntahan na magandang resulta.

Sa mga ganitong klase ng problema, sarili mo mismo ang makakatulong sa iyo. Nadapa ka man sa buhay, bumangon ka ulit ng ‘alang pag-aalinlangan at may tiwala sa sarili. Hindi pa huli ang lahat para magsimula muli.

‘Di naman masama ang magkamali paminsan-minsan, ang masama ‘yung ‘di mo kayang tanggapin ang pagkakamali mo bilang isang tao. Ang importante, sa bawat pagkakamali natin mayroon tayong napupulot na aral at natututunan sa buhay na magagamit natin sa susunod nating paglalakbay.

vuukle comment

FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with