^

Punto Mo

Perwisyong construction sa subdivision!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ANG batas ay mahalaga sa ating komunidad. Ito ang nagsisilbing pamantayan ng mga mamamayan para maisaayos ang kanilang pamumuhay. Kung walang batas magkakaroon ng ‘di pagkakaunawaan at kaguluhan sa lipunan.

Bawat indibidwal ay dapat alam ang mga batas o ordinansa na dapat sundin sa kanilang bansa o lugar. Tulad dito sa Pilipinas simpleng building permit kailangan mo muna ayusin bago ka magtayo ng gusali.

Mag-asawang senior citizen ang lumapit sa aming tanggapan upang ireklamo ang perwisyong construction sa gilid lang mismo ng kanilang bahay! Anila, bukod sa mapanganib, unti-unti na ring nasisira ang kanilang bahay.

Mantakin n’yo, mismong bubong daw nila ang tinatapakan ng mga trabahador habang ginagawa ito. Dagdag pa nila, ang dingding at kisame rin nila ay nagkakaroon na ng ukab na ‘di maganda sa kanilang mata.

Sa patuloy kong pag-iimbestiga, dito rin nila sinabi na wala man lang safety protection ang ginagamit kaya ang mga debris na bumabagsak ay nakabalandra lamang.

Matapos busisiin ang reklamo, agad na nagtungo ang BITAG-KP sa City Building Official ng Caloocan City upang inspeksiyunin ang inirereklamong gusali.

Ang ginawa nila, agad na pinatawag ang dalawang inhinyero sa kanilang lungsod at pinasamahan para i-evaluate kung may nalabag nga ba silang batas.

Ang resulta, positibo! Para sa inyong kaalaman, ang may ari ng building ay lumabag sa Presidential Decree 1096 na ngayon ay Republic Act No. 6541 o “National Building Code of the Philippines.” May mga nakaatas na kaparusahan sa sinumang lalabag dyan.

Kaya pansamantalang ipinatigil ang paggawa ng gusali habang di pa nakakasunod sa tamang proseso ang may-ari.

Mula naman dito sa amin sa BITAG Headquarters, saludo kami sa kilos prontong aksyon ng lokal na pamahalaan ng Caloocan at nakikita namin na di nila pinapabayaan ang kanilang mamamayan.

Nawa’y magsilbi itong aral sa inyong mambabasa at dalangin ko na makamit na unti-unti nina lolo at lola ang hustisya sa di inaasahang pagsira sa kanilang tahanan.

Kung kayo’y may sumbong o reklamo, bukas ang aming tanggapan sa Richwell Center Timog Avenue, Quezon City mula 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

vuukle comment

CONSTRUCTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with