^

Punto Mo

Civil Service Commission, huwag kayong patulog-tulog

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

AYAW ni Boss Digong  ang pakaang-kaang sa paghahatid at pagbigay ng serbisyo sa madlang people dahil mahigpit ang kanyang bilin sa taga-gobierno na ayaw niyang may reklamo ang madlang public sa kanila!

Noong August 12, dapat may CSC examination ang madlang pinoy sa ‘National Capital Region’ na kukuha nito,  kaya lang pinahinto ng pamunuan ng Civil Service Commission dahil nga malakas ang ulan at baha sa karamihan places sa Metro - Manila.

Sabi nga, malalim!

Ang problema matatapos na ang buwan ng Agosto, wala pa rin pahayag ang CSC kung kailan ang eligibility examination ng mga gustong kumuha nito sa Metro - Manila o NCR.

Anong nangyari?

Bakit kaya ?

Nakatulog kaya ang CSC o nakalimutan nila ang madlang pinoy sa NCR para sa kanilang elibility examination?

Ano ba ito?

Ibang klase talaga ang CSC?

Abangan.

• • • • • •

Si Lim ng Maynila

Nanawagan sa madlang people si dating Manila Mayor Fred Lim, na ipagdasal nila sa Maykapal si Boss Digong para patuloy na maging malakas, magtagumpay sa kanyang pamumuno sa Philippines my Philippines at maging maayos ang kanyang kalusugan dahil marami pa itong magagawa para sa ating bayan.

Sinabi ni Lim, baka lalong magka-hetot, hetot ang Philippines my Philippines dahil sa malubhang problema sa illegal drugs.

Buti na lamang at si Boss Digong ang naupo sa kanyang trono dahil maraming nabago sa Philippines my Philippines.

Gusto ni Boss Digong ang tunay na pagbabago sa madlang pinoy kaya naman determinado itong labanan ang lahat ng uri ng kriminalidad, korupsyon at droga.

Sabi nga, sa ikauunlad ng bansa disiplina ang kailangan at hindi kaplastikan.

Malawak ang karanasan ni Lim hindi lang sa politika kundi maging sa pagpapatupad ng mga batas dahil dati itong heneral sa kapulisan, naging NBI director at DILG Secretary.

Kung mabibigyan ng pagkakataon malamang si Lim ang muling maging alkalde ng Maynila dahil gusto siya ng madlang Manilenyo at walang bahid korapsyon si Fred.

Abangan.

vuukle comment

CIVIL SERVICE COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with