^

Punto Mo

Buwaya na unang dumating sa Serbia bago pa mag-world war 2, buhay at malusog pa rin hanggang ngayon

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DUMATING ang American alligator na si Muja sa Belgrade Zoo noon pang bago magsimula ang World War 2 ngunit hanggang ngayon, malusog pa rin ito.

Pinaniniwalaang si Muja na ang pinakamatandang buwaya sa mundo na nasa pangangalaga ng tao. Ngunit sa kabila ng kanyang katandaan, nasa mabuting kondisyon pa rin daw ang buwaya at malakas pa rin itong kumain.

Sa tagal na ng pangangalaga ng Belgrade Zoo sa kanya ay ilang henerasyon na ng mga bisita sa zoo ang nakapanood kay Muja, na bagamat bahagya nang gumalaw ay maliksi pa rin kapag oras na ng pagpapakain sa kanya.

Minsan nga lang ay nagmimintis na si Muja sa kanyang mga pagkagat, na senyales na rin ng kanyang katandaan.

Dumating ang buwaya mula sa Germany noong August 1937 at ayon sa isang artikulo sa pahayagan ng mga panahong iyon, dalawang taon pa lang noon si Muja kaya tinatayang nasa 80 anyos pataas na ang kanyang edad ngayon.

Dalawang malawakang pambobomba ang naligtasan ni Muja noong World War 2 – una ay noong 1941 na isinagawa ng Germany at ang pangalawa ay noong 1944 na isinagawa naman ng Allies.

Ang pambobomba noong 1944 ang naging sanhi ng pagkasunog ng mga dokumento ukol sa pagkakalipat ni Muja sa Belgrade Zoo. Ito ang dahilan kung bakit wala na ngayong nakakasigurado kung ano ba talaga ang eksaktong edad ng kinikilalang “oldest alligator in human captivity”.

vuukle comment

MUJA SA BELGRADE ZOO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with