^

Punto Mo

Pusa sa Japan, flat na ang hugis ng ulo dahil sa katakawan sa tulog

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MARAMI ang natuwa sa isang pusa sa Japan matapos kumalat ang litrato nito kung saan makikita ang flat na hugis ng kanyang ulo.

Dulot ng labis na pagtulog ang kakaibang hugis ng ulo ng pusa, na may pangalang Kojiro. Katulad ng karamihan sa mga pusa ay sadyang tamad si Kojiro at wala itong ibang alam gawin kundi matulog at maghintay sa pakain ng kanyang amo.

Ini-upload ng amo ni Kojiro ang kanyang larawan nang magising ito ng di-oras sa kanyang walang katapusang pagtulog. Animo’y nayupi na ang pisngi ng pusa dahil sa matagal na pagkakalapat ng mukha nito sa kanyang tinutulugan.

Marami ang natuwa sa litrato kaya mabilis naman itong nag-viral sa social media. Sa kasalukuyan ay nasa 28,000 na ang nagla-like sa litrato at nasa 12,000 beses na itong na-retweet.

Dahil sa naging reaksiyon sa litrato ay regular nang ina-upload ng amo ni Kojiro ang kanyang mga litrato. Nito lamang August 13 ay ini-upload niya ang kuhang litrato kay Kojiro habang natutulog na nakasabit ang baba nito sa isang kahon.

 

vuukle comment

JAPAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with