^

Punto Mo

‘Petsay’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SI Misis ang nanlalaki. Walang awa niyang iniwan ang mga anak sa kanyang asawa na ang edad ay isa, tatlo at limang taong gulang. Mahabang panahon silang naghiwalay na mag-asawa. Higit sa dalawa at kalahating dekada. Palibhasa ay nang-iwan ng mga walang malay na mga bata, si Misis ay kinarma. Lagi pala siyang sinasaktan ng lalaking sinamahan. Matapos anakan ng tatlo, siya naman ang iniwan ng kerido nito. Nakipag-communicate siyang muli sa original na mister. Inunti-unti niya ang pakikipagbalikan hanggang siya ay magtagumpay. Yesss! Tinanggap siyang muli na kanyang mister pero hindi ng mga anak. Kaya silang mag-asawa lang officially ang nagkabalikan.

Sa kabila ng katotohanang hindi naman siya 100 percent na pinatawad sa kanyang panlalalaki, may mukha pa rin siyang inihaharap sa mga kamag-anak ng asawa. Gustung-gusto niyang sumama sa family events ng kanyang mister. Alam ng lahat ang ginawa niyang kasalanan. Pero kung makaasta sa harapan ng husband’s relatives, feel at home lang siya as if wala siyang ginawang mabigat na kasalanan. At kahit kaharap ang relatives ng mister, ma-lakas ang loob nito na barahin o tarayan ang asawa kapag hindi niya nagustuhan ang sinasabi nito. Napapailing na lang ang mga kamag-anak ng mister.

Isa na naman itong klase ng alipin ng pag-ibig. Ginto kaya ang petsay na ipinapakain ni Misis sa kanyang mister? Malay.

vuukle comment

PETSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with