^

Punto Mo

Paalala sa mga guro!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

PANGALAWANG magulang, ‘yan ang isa sa mga mabigat na responsibilidad ng isang guro. Mapa-pribado man o pampubliko, nakasalalay sa mga guro ang kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante kapag nasa loob ng paaralan.

Kaya naman masakit sa isang magulang na malamang ang kaniyang anak ay pinagbubuhatan ng kamay ng kanyang guro.

Gaya na lamang ng sumbong na inilapit sa amin ng isang tatay. Reklamo niya, ayaw na raw pumasok ng kaniyang anak na Grade 1 student ng dahil sa trauma. Ang kanya raw kasing guro, may pagka-sadista!

Kuwento ng batang si ‘Totoy’ sinampal at pinalo raw siya sa ulo ng kanyang guro gamit ang isang notebook dahil kulang ang ipinasa niyang homework. Dagdag pa ng bata, lagi raw siyang ipinahihiya sa kanilang klase kaya’t ayaw na niyang bumalik.

Agad naming isinangguni sa Department of Education (DepEd) ang problemang ito. Ayon kay Atty. Erness Faith Regacho, hindi nila pinahihintulutan ang bawat guro na manakit ng estudyante sa kahit na anong kadahilanan. Sinuguro rin niya na bukas ang kanilang tanggapan sa mga ganitong klase ng reklamo at handa silang makipagtulungan.

Gayunpaman, mas minabuti naming ipaalam sa pamunuan ng eskuwelahan ang sumbong ng mag-ama. Ayon sa kanilang school principal na si Ms. Jenifer Joson, hindi nakaabot sa kanila ang insidenteng ito at ngayon lang niya nalaman. Nangako naman siya na ipatatawag ang inirereklamong guro para ma-imbestigahan.

Kinabukasan, agad naming sinamahan ang mag-ama sa principal’s office ng eskuwelahan. Doon nakaharap nila ang inirereklamong guro na si Karen Marasigan. Inamin naman niya ang nagawang kasalanan at nangakong hindi na ito mauulit. Para na rin matulungan ang bata, sasailalim ito ng counseling para mawala ang trauma na kaniyang nararanasan.

Guro ang tumatayong pangalawang magulang ng mga kabataan. Trabaho nilang gabayan at alagaan ang kanilang mga estudyante. Pero hindi kasama rito ang lapatan sila ng kamay at saktan.

Nawa’y magsilbing aral ito sa mga guro sa lahat ng eskuwelahan. Gayundin sa mga magulang at tumatayong guardian ng mga kabataan. Ugaliin niyong kausapin ang inyong mga anak at kamustahin sila tungkol sa kanilang pag-aaral.

Para naman sa mga biktima ng teacher brutality, pananakit man o pambu-bully, bukas ang aming tanggapan para kayo ay tulungan at saklolohan.

vuukle comment

GURO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with