^

Punto Mo

EDITORYAL - Marami ang nagkaka-dengue

Pang-masa
EDITORYAL - Marami ang nagkaka-dengue

PARAMI nang parami ang mga nagkaka-dengue. Ayon sa Department of Health (DOH) mula Ene­ro hanggang Mayo 2018, umabot na sa 37, 959 ang nagka-dengue at 195 dito ang namatay. Karamihan sa mga nagka-dengue ay mga bata na may edad 10-14. Pinakamarami ang nagka-dengue sa National Capital Region; sunod ang Calabarzon, Central Luzon, Nor-thern Mindanao, Western Visayas at Central Visayas.

Ang report na ito ay hanggang Mayo lamang kaya maaaring tumaas pa ito sa kasalukuyan lalo pa’t naging madalas na ang pag-ulan dahil sa habagat. Mula Hulyo ay marami nang pagbaha ang nangyari sa Metro Manila at Central Luzon. Noong Sabado, muling lumubog sa baha ang Metro Manila at mga probinsiya sa Central Luzon. Hanggang sa kasalukuyan, baha pa sa Bataan, Pampanga, Tarlac at Bulacan. Muli namang natikman ang baha sa Marikina na naihalintulad sa “Ondoy’’.

Sa nangyaring pagbaha, tiyak nang darami na naman ang mga lamok na naghahatid ng dengue. Marami na namang nangitlog na lamok sa mga lugar na binaha.

Kaya mahalaga sa panahong ito ang puspusang paglilinis ng kapaligiran para walang lamok na mamugad at mangitlog. Linisin ang bahay at bakuran. Takpan ang mga drum, timba at iba pang lalagyan ng tubig para hindi pangitlugan ng lamok. Itapon ang mga basyong bote at lata, tinapyas na gulong ng sasakyan, mga paso ng halaman at iba pang posibleng pangitlugan. Linisin ang mga kanal na hindi umaagos ang tubig.

Ang dengue ay nagmumula sa kagat ng lamok na Aedes Aegypti. Madaling makikilala ang lamok na ito sapagkat batik-batik ang katawan. Kadalasang sa araw ito nangangagat.

Sintomas ng dengue ang lagnat, pagkakaroon ng pantal-pantal sa balat (rashes) pananakit ng ulo at kasu-kasuan, lagnat at pagsusuka.

Nararapat namang magsagawa nang maigting na kampanya ang DOH lalo sa mga binahang lugar. Palawakin ang pagbibigay ng impormasyon sa mamamayan ukol sa dengue. Marami pa rin ang salat sa kaalaman ukol sa mga lamok na naghahatid ng sakit lalo na ang mga nasa liblib. Isama na rin sa mga aralin sa school ang pag-iingat at paglilinis sa kapaligiran para malipol ang mga lamok.

vuukle comment

DENGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with