^

Punto Mo

Cayetano vs Trillanes sa usaping WPS

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

GUSTO na namang magpaka-bayani ni Senator Antonio Trillanes IV, para siya muli ang sapakin este mali basbasan pala na maging negotiator sa ‘Joint Exploration and Development’ project sa West Philippines my Philippines Sea kasi raw makakalamang dito ang China porke walang kakayahan ang Philippines my Philippines sa proyektong ito.

Naku ha!

Ano ba ito?

Sinusubukan kaya ni Trillanes na manabotahe sa plano ng administrasyon ni Boss Digong tungkol sa JED?

Inalmahan ni DFA Secretary Alan Cayetano, ang mga birada ni Trillanes na madedehado ang madlang people sa Philippines my Philippines sa pinaplanong  kasunduan.

Ibinuyangyang ni Alan noong pagkatiwalaan ni P. Noy si Trillanes, na lead negotiator. Nagresulta ito ng pagkawala ng kontrol ng Philippines my Philippines sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal.  

Bakit?

Iyan nga ang pinag-uusapan ngayon dahil kung si Alan ang tatanungin dehins papayag si Boss Digong sa anumang klase ng hingian este mali kasunduan pala na hindi patas at hindi pabor sa madlang pinoy.

Ano sa palagay ninyo?

Malinaw pa sa mineral water ang utos ni Boss Digong na protektahan at pangalagaan ang teritoryo ng Philippines my Philippines at makinabang ang madlang pinoy sa ating “so-vereign economic rights.”

Tumpak ka r’yan!

Sino kaya ang nakinabang sa backdoor negotiation noong si P. Noy ang nasa trono?

Ano ba ang nagawa ni Trillanes noong payagan siya ni P. Noy para sa negosasyon?

Ibinida ni Alan, na patuloy ang administrasyon ni Boss Digong na magsasabi ng katotohanan at magta-trabaho para mapaganda ang ekonomiya at kinabukasan ng madlang pinoy habang sila ang nasa poder.

Abangan.

• • • • • •

Sino ito?

Isang regional director sa Philippines my Philippines ang sinasabing panay ang laklak ng mamahaling alak sa mga bigtime chinese KTV bar habang kasama ang kanyang bagman sa inuman blues.

Ayon sa balita, naamoy na raw ang istilo ng regional director sa kanyang pinaggagawa r’yan sa Camp Crame kaya naman nagtataasan na ang kilay ng ibang opisyal dito.

Ika nga, nagbibilang na lamang ito ng araw at tiyak sibak ito sa puesto sa katakawan sa ‘mamam.’ Abangan.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES IV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with