^

Punto Mo

Kapalpakan, panagutan n’yo!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

EDUKASYON ang isa sa pinakamahalagang bagay sa buhay ng isang indibidwal. Higit pa ito sa malaking bahay, magarang sasakyan o limpak-limpak na kayamanan. Dahil ang edukasyon, kailanman ay hindi mananakaw ninuman.

Pero paano kung ang paaralan na iyong mapasukan, palpak at walang pananagutan? Gaganahan ka pa kayang mag-aral?

‘Yan ang problemang inilapit sa amin ni Ericka Mae Morana. Ito raw kasing STI College Global sa Taguig, walang kakuwenta-kuwenta!

Kuwento niya, balak na niyang ilipat ng eskwelahan ang kapatid niyang nag-aaral sa STI-Taguig dahil na rin sa mga reklamong naririnig niya tungkol dito. Ang problema, nawala ng putris na eskwelahan ang mga orihinal na dokumentong ipinasa nila!

Dahil sa nangyari, pinagalitan daw ng administrator ng STI ang kanyang mga tauhan. Malinaw na pag-amin ito sa kasalanang nagawa ng eskuwelahan. Pero imbes na tulungan ang biktima, mas lalo pa nila itong pinahirapan. Payo nila, kumuha na lang daw ulit ng mga nawalang dokumento sa pinagkuhanan.

Kung ‘di ba naman kayo mga sangkaterbang pulpol at bobo riyan sa STI-Taguig. Pagkakamali n’yo, ipapasa sa ibang tao ang kalbaryo’t sakit sa ulo?! E kung pag-uuntugin ko kaya mga ulo n’yo? Say n’yo?

Sinubukan naming kunin ang panig ng STI College Global-Taguig pero hindi nila kami pinaunlakan. Depensa ng mga siraulo, nasa conference meeting daw ang kanilang administrator sa mga oras na ‘yun. Dagdag pa nila, may sinusunod daw silang protocol.

Hoy mga gunggong! ‘Wag n’yo kaming idaan sa protocol-protocol n’yong nalalaman. Sarili n’yo ngang kasalanan, ‘di n’yo mapanagutan at mapanindigan.

‘Di bale, wala rin naman kayong lusot sa Bitag-Kilos Pronto. Kahit anong tago n’yo, ilalabas namin kayo sa mga lungga ninyo. Kung ayaw n’yong makipag-cooperate, idadaan namin ito sa Commission on Higher Education (CHED). Tingnan lang natin kung makapalag pa kayo.

Panawagan na rin namin sa mga magulang at estudyanteng magkokolehiyo. Iwasan n’yo ang paaralang ito! Kung sa simpleng bagay nga pagtataguan na kayo, paano pa kaya dun sa mas malalaking gulo. Mga sandamakmak na eng-eng at obob! Matanong ko nga, produkto n’yo ba ‘yung tatlong senador dun sa plenary hall?

vuukle comment

EDUKASYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with