^

Punto Mo

2 new ‘rules’ sa mag-asawa

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Old rule: Kung nag-away ang mag-asawa sa araw, huwag patagalin ang away at sikaping magkabati bago matulog sa gabi.

Ito raw ang pinakadelikadong gawin kapag nag-away ang mag-asawa, ang piliting makipagbati dahil iyon ang idinidikta ng makalumang paniwala. Ang sabi ng psychologist na si John Gottman, Ph.D., professor emeritus of psychology at the University of Washington and author of The Seven Principles for Making Marriage Work, walang nareresolba kung parehong galit ang magkabilang panig. Kapag nag-uumapaw ang galit  sa puso, nawawalan ng  kakayahan ang isang tao na umunawa ng katwiran.

New Rule:  Matulog ka pagkatapos makipag-away sa asawa. Ang hindi pagkakaunawaan ay mas mainam ayusin kung kalmado na ang kalooban dahil nakapagpahinga na.

• • • • • •

Old rule: Habang nagtatagal ang pagsasama, ang mag-asawa ay nawawalan na ng gana sa sex.

Hindi totoong kapag matanda na or nasa midlife na ang isang misis ay nawawalan siya ng ganang makipagtalik. On the contrary, ayon sa British study, mga 64 percent ng mga misis na kasali sa survey ang nagsabing aktibo pa rin ang kanilang sexlife pagkatapos nilang mag-menopause. Ang susi ng maalab na sexlife ay nasa komunikasyon. Ang sabi ng mga psychologists mula sa Dalhousie University in Canada, ang pag-uusap ng mag-asawa “about what they wanted sexually was linked to their being happy with the sex itself”.

New rule: There’s no reason you won’t grow more sexually connected.

“The secret of a happy marriage remains a secret.” — Henny Youngman

vuukle comment

MAG-ASAWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with