^

Punto Mo

Matandang Tinali (187)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

AGAD hinanap ng tauhan ni Joemari na si Dragon ang tirahan ni Joy. Isang sketch ng lugar ang hawak niya. Galing kay Joemari ang sketch na ibinigay naman dito ni Dolfo. Nasa sketch kung saan ang daan patungo sa kubo ni Joy.

Hanggang sa makita ni Dragon ang arko ng farm ni Dong. Nabasa niya: MATANDANG TINALI FARM.

Napangiti si Dragon. Malapit na siya sa kubo ni Joy. Ang palatandaan ay ang MATANDANG TINALI FARM. Alam ni Dragon na ang may-ari ng farm na iyon ay ang lalaking nobyo na umano ni Joy. Sinabi sa kanya minsan ni Joemari na ang lalaki ang laging tumutulong kay Joy. Kaya dapat mawala rin ang lalaki. Alam na ni Dragon ang gagawin sa lalaki. Uunahin munang kunin si Joy at dadalhin sa shabu lab at dun ikukulong at saka pagsasawaan ni Joemari. Kapag nagsawa na saka papatayin. Ang nobyo naman ni Joy ay papatayin din. Ililibing nang buhay!

Nagpatuloy sa paglala­kad si Dragon. Kailangang makita niya ang kubo ni Joy. Tiyak na naroon din si Dolfo. Kapag hindi niya nakita roon, isa lang ang ibig sabihin, nagtraidor na nga ito.

Mas mauuna si Dolfo kaysa kina Joy at nobyo nito.

Binilisan niya ang pag­lalakad.

Nakita niya ang sapa.

Tiningnan ang sketch. Malapit na ang kubo!

Tumawid siya sa sapa. Ilang minutong pagla-lakad at nakita na niya ang kubo.

Napangiti si Dragon!

(Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with