^

Punto Mo

457 electric guitarists sa Sydney sabay-sabay tumugtog para sa world record

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

UMABOT sa 457 katao ang sabay-sabay tinugtog ang kantang “Highway to Hell” gamit ang kani-kanilang mga gitara upang makapagtala ng bagong world record para sa pinakamadaming tao na sabay-sabay na tumutugtog ng iisang kanta gamit ang electric guitar.

Tagumpay ang 457 na lumahok sa world record attempt, na isinagawa sa Chatswood kung saan nila sabay-sabay na tinugtog ang sikat na kanta ng bandang AC/DC. Nahigitan nila ang world record na 368 na naitala sa India noong 2013.

Karamihan sa mga sumali sa malawakang pagtugtog ay mga lalaki ngunit mayroon din namang mga kababaihan na hindi nagpahuli sa paggigitara.

Bahagi ang world record attempt ng Guitar Festival sa Sydney na idadaos hanggang August 19.

Inaasahan namang aabutin pa ng anim na linggo bago gawing opisyal ng Guinness ang bagong world record na naitala ng mga taga-Sydney.

vuukle comment

HIGHWAY TO HELL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with