^

Punto Mo

Matandang Tinali (186)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MABIGAT ang utos ni Joemari kay Dragon.

“Tandaan mo Dragon, huwag kang babalik na hindi kasama si Dolfo. Alam mo na ang mangyayari kapag hindi mo siya nadala rito.’’

“Opo Bossing. Bibitbitin ko siya rito.’’

“Gusto ko gawin mo agad. Dalawang oras lang ang palugit ko sa’yo kapag lumampas dun, alam mo na ang kasunod.’’

“Opo. Aalis na po ako.’’

Nang makaalis si Dra-gon, nagngitngit pa rin si Joemari. Tiyak na nagbago ang isip ni Dolfo kaya hindi pa ito dumarating. Maaring ibinulgar na ang talagang pakay.

Humanda ka Dolfo!

Malupit ang gagawin niya kay Joy at pati na rin sa lala­king kasama nito na walang iba kundi si Dong. Pero bago niya isagawa ang balak, titikman muna niya. Matagal din siyang sinabik ni Joy. Ngayon ay hindi na makakatanggi si Joy. Hindi na ito makakatakas sa kanya. Magbabayad din ang lalaking nagtatanggol dito.

Talagang sinusuwerte siya sapagkat dito pa sa napili niyang lugar para gumawa ng droga makikita si Joy. Parang pinagtiyap ang mga pagkakataon. Hindi na siya mahihirapan pa.

Maya-maya, tinungo ni Joemari ang laboratoryo kung saan ginagawa ang shabu. Isang Chinese chemist ang gumagawa ng shabu. Isang toneladang shabu ang naga­gawa sa isang araw. Sapat na sapat para sa consumption. Bilyong piso ang halaga. Hindi naman sila mahuhuli rito sapagkat nakatago sa lugar at protektado ng barangay chairman.

Napangiti si Joemari nang makita ang finished product. Tiba-tiba na naman siya!

(Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with