^

Punto Mo

Matandang Tinali (184)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SIGURADO ka Dol­fo na shabu laboratory ang ino-operate ng Joemari na yun?’’ tanong ni Manong Naldo.

“Oo Kuya, sigurado ako.’’

“Paano mo nalaman?’’

“Dun sa shabu lab na iyon ako dinala ng kontak niya. Dun ako binayaran ng P2,500 ni Joemari. Mayroong opisi­na sa basement ang Joemari na yun.’’

‘‘Paano mo nalamang sha­bu lab yun?’’ tanong pa ni Ma­nong Naldo.’’

‘‘Nasilip ko sa isang room na may mga tao at busy sa ginagawa. May Chi­nese na nag-ooperate ng machine. Parang mayroong niluluto.’’

“Paano mo nasilip ang room?’’

“Naghihintay kasi ako sa pagdating ni Joemari sa pinaka-lobby ng buil-ding. Nainip ako sa pag-upo, naglakad-la­kad ako sa paligid. Hanggang sa makita ko ang room na nakabukas at nasilip ko.’’

Napatangu-tango si Dong. Kumbinsido na shabu lab nga ang building na sinasabi ni Dolfo.

“Gaano katagal bago dumating si Joemari?’’ tanong ni Dong.

‘‘Mga kalahating oras siguro.’’

‘‘Anong itsura niya?’’

“Mahaba ang bigote at balbas. Mukhang addict!’’

“Walang bigote at balbas yun!” sabi ni Joy.

“Baka nagpatubo na para hindi mahalata.’’

“Ano ang iniutos sa’yo ni Joemari?’’ tanong ni Manong Naldo.

‘‘Subaybayan ko raw si Mam Joy at Sir Dong. Kapag natiyak ko na raw ang tirahan, sabihin sa kan­ya at siya mismo ang kukuha kay Mam Joy. Pero siguruhin ko lang daw na tama ang tirahan.’’

“Nasabi mo na sa kanya na natunton mo na ang tirahan ng dalawa.’’

“Hindi pa Kuya. Ang balak ko, bukas sana pero nahuli na nga ako ni Sir Dong.’’

Nag-iisip si Dong ng mga gagawin para mahuli si Joemari. (Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with