^

Punto Mo

Matandang Tinali (183)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“KUYA Naldo!’’ sabi   ni Dolfo.

Nagtataka naman sina Dong at Joy kung bakit magkakilala ang dalawa. Paano nangyari iyon.

“Magkakilala kayo ni Dolfo, Manong Naldo?’’

“Oo, Dong. Pinsan ko siya! Pinsang buo ko siya. Mula kami sa Marinduque sa Mog­pog.’’

Hindi malaman ni Dong ang sasabihin. Talagang nabig­la siya. Dito pa nagkita ang magpinsan.

“Bakit narito ka Dolfo?’’

Napakamot sa ulo si Dolfo. Hiyang-hiya.

Si Dong na ang nagsalita.

“Ako na ang magpapaliwanag kay Manong Naldo, Dolfo.”’

“Bakit Dong ano ang nangyari?’’

Ikinuwento ni Dong kay Manong Naldo ang lahat ng nangyari.

“Bakit mo nagawang pumasok sa trabahong yan, Dolfo? Ang angkan natin sa Marinduque ay walang masamang record. Alam mo naman na kahit mahirap tayo, hindi tayo gumagawa ng masama.’’
“Patawarin mo ako Kuya Naldo. Nagipit lang po ako dahil marami akong anak. Pero talaga pong ang pagsubaybay ko lang kay Sir Dong at Mam Joy ang ginawa ko. Wala na pong iba.’’

“Alam mo ba kung sino yung tao na kumuntrata sa’yo? Siya yung nanloko kay Mam Joy.’’

“Sinabi na po sa akin ni Sir Dong, Kuya. Patawad po. Kung alam ko pong masamang tao ang Joemari na yun ay hindi ako papayag na magpagamit.’’

‘‘Magkano ang bayad sa’yo para subaybayan sina Dong at Joy?’’

‘‘Five thousand po. Pina-unahan po ako ng P2,500.’’

Napahinga si Manong Naldo.

“Patawad Kuya.’’

“Sige, pero huwag ka nang papasok sa ganyang usapan.’’

‘‘Hindi na po.’’

‘‘Hindi ka ba talaga sang­kot sa droga ng Joemari na yun.’’

‘‘Ay hindi po Kuya! Ituturo ko nga po kung nasaan ang shabu lab ng Joemari na yun!’’

‘‘Alam mo kung nasaan?’’

‘‘Opo.’’

“Kailangan pala, maipaalam natin sa PDEA para mahuli na sila.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with