^

Punto Mo

Killer whale na nakita sa baybayin ng us, 2 linggo nang bitbit ang katawan ng namatay na anak

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MARAMI ang naantig sa isang killer whale na namataang palanguy-langoy malapit sa kanlurang bahagi ng United States.

Karga-karga pa rin kasi nito ang katawan ng anak nito na dalawang linggo nang patay. Ayon sa mga researcher sa lugar, huling nakita ang 20-anyos na killer whale na binansagang J35 noong nakaraang Miyerkules at hindi pa rin nito inaabandona ang kanyang anak.

Noon pang Hulyo 24 binawian ng buhay ang anak ni J35 kaya naman marami ang naantig sa imahe ng inahing killer whale na patuloy pa rin sa pagkarga sa kanyang anak.

Bukod kay J35 ay may isa pang killer whale na binabantayan ang researchers sa lugar. Isa na rito ang tatlo’t kalahating taon na si J50 na kasamang lumalangoy ng kanyang ina.

Sinusubaybayan ng mga mananaliksik si J50 dahil malaki ang pangangayayat nito. Pinaplano tuloy nilang masuri ang kalagayan nito at mabigyan ng gamot kung kinakailangan.

vuukle comment

ANAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with