^

Punto Mo

Mga baka sa Florida, tinulungan ang mga pulis sa paghuli sa nakatakas na suspek

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KAKAIBANG tulong ang natanggap ng mga pulis sa Florida sa paghuli sa isang carnapper.

Naispatan ng mga pulis ang isang nakaw na SUV kaya hinabol nila ito. Hindi naman basta-basta magpapahuli ang driver nito na si Jennifer Kaufman kaya pinaharurot pa niya ang sasakyan.

Pagdating sa kalapit na bayan, nabangga ang SUV sa isang stop sign dahilan upang mahulog ang sasakyan sa katabing kanal.

Sa halip na sumuko, lumabas ng sasakyan si Kaufman pati ang kanyang pasahero, na parehong tumakbo sa pag-asang makakatakas sila mula sa mga tumutugis na pulis.

Nahuli kaagad ang kasama ni Kaufman na nadiskubreng nagtatago sa mga damuhan sa tulong ng K9 units ng mga pulis.

Nagtuloy-tuloy naman sa pagtakbo si Kaufman hanggang sa narating niya ang isang kalapit na pastulan.

Iyon pala ang pinakamalaking pagkakamali ni Kaufman ng gabing iyon dahil kitang-kita sa video na kuha ng police chopper na sumusunod sa kanya ang ginawang pag-“aresto” sa kanya ng mga baka sa nasabing pastulan.

Nasa 20 baka ang humabol kay Kaufman at isa pa sa mga ito ang kamuntikan na siyang suwagin. Sa huli, walang nagawa si Kaufman kundi tumalon palabas ng bakuran ng pastulan, kung saan nakaabang na ang mga pulis na humuli sa kanya.

Sa ngayon ay nakakulong na si Kaufman, na sinampahan ng kasong pagnanakaw, pagdadala ng ipinagbabawal na gamot na natagpuan sa sasakyang kanyang minaneho at trespassing.

vuukle comment

FLORIDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with