^

Punto Mo

Libing ngayon ni VW Enteng Salazar

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NGAYON umaga ang libing ni Very Worshipful Bro. Vicente ‘Enteng’ Salazar pagkatapos ng isang misa dyan sa sementeryo ng San Pedro, Laguna.

Muling nakikiramay ang   mga brethren ng iba’t ibang Loya sa ating Kuyang Enteng na kinuha ni Lord noong August 6, habang natutulog ito sa kanilang haybol.

Ang mga taga - Laong Laan Masonic Lodge 185 at San Pedro Masonic Lodge 292, ay nakikidalamhati dahil si Kuyang Enteng ay mula sa dalawang Loyang nabanggit.

Sa pamilya ni Kuyang Enteng na sina Ateng Estela, mga anak na sina Theresa, Patricia Rowena at Raphael.

Sabi nga, condolence!

Sumalangit nawa ang kaluluwa ng namatay.

Amen !

• • • • • •

Magandang impormasyon ang naibigay ng international drugs counter part natin from abroad porke positibo ang container van na naglalaman ng 500 kilo ng shabu na inginuso nila na nakuha sa pier habang nakatiwang-wang ito sa Manila International Container Port.

Sinasabing P2.5 billion ang halaga ng shabung nakum-piska kaya naman kamot ng ulo ang mga kamoteng nagpasok nito sa Philippines my Philippines dahil nasungkit ang droga.

Kinakalkal pa ng mga autoridad ang pagkakakilanlan ng mga nagpadala ng shabu sa Philippines my Philippines.

Ayon sa impormasyon, naghihintay ng tamang oras ang mga sindikato para i-swing nila palabas ng Customs ang droga.

Ang masama para sa kanila natimbog ito. Hehehe!

Buti nga !

• • • • • •

Panibagong gimik ng MMDA

Pumalag ang mga private vehicle owners sa plano ng MMDA na ipagbawal sa buong EDSA na dumaan ang mga ito na driver lamang ang sakay nang kanilang sasakyan tuwing rush hour.

Naku ha!

Panibagong gimik na naman.

Ipatutupad daw ng MMDA ang high occupancy vehicle lane sa EDSA, kaya bawal sa kahabaan ng EDSA ang mga private vehicles na driver lang ang sakay.

Ano ba ito?

Wala ng iba pang maisip?

Huwag na nating salsalin pa ang istorya ng MMDA ang importante luluwag ba ang EDSA sa traffic?

Abangan.

 

vuukle comment

ENTENG SALAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with