^

Punto Mo

VW Bro. Vicente ‘Enteng’ Salazar, 73

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

PUMANAW na si Kuyang En-teng papuntang ‘langit’ the other day.

Sa 24 Sampaguita Ave. Bara-ngay Sampaguita City of San Pedro, nakahimlay ang labi nito.

Si Kuyang Enteng, ay kabilang sa Laong Laan Masonic Lodge 185 at dual member sa San Pedro Lodge 292.

Nakikiramay ang lahat ng bre-thren sa pagkamatay ni Kuyang Enteng.

Sabi nga, goodbye Kuyang Enteng!

• • • • • •

NAIA - BI TCEU, nag-aabang

Uuwi ng wala sa oras ang tatlong alien na nahulihan ng mga pekeng travel documents kaya inihahanda na ang deportation nila ng Bureau of Immigration.

Buti nga!

Gumamit ang mga ogag na mga pekeng dokumento para linlangin ang NAIA - BI TCEU.

Sabi ni BI Commissioner Jaime Morente, ang mga alien ay sasailalim sa deportation proceedings para sa possessing spurious documents nila.

Ikinuento ni Danieve Binsol, terminal head ng NAIA - BI TCEU, hindi na tinantanan ng mga sindikato ng pamemeke ang paggamit ng mga palsong dokumento sa pag-aakalang makakalusot sila sa paliparan.

Sinabi ni BI Associate Commissioner at con-current chief ng port operation division Marc Red Marinas, na hindi alam ng mga sindikato na parang mga buwitreng nakabantay ang mga TCEU sa kanila. Abangan!

• • • • • •

Bawasan pondo, bakit?

Pinalagan ng ilang taong gobierno ang mga mababawas na pondo sa 2019 national budget nila.

Ang Department of Agriculture, ay matatapyasan ng P6 billion from P61 billion to P55 billion na lang, ang DSWD ay makakaltasan ng P5.2 billion dahil sa ngayon ay may P141.8 billion budget ito pero mukhang P136.6 billion na lamang ang ilalaan, ang DepEd ay may P55 billion ang mawawala dahil sa ngayon ay may P553 billion ito pero next year malamang ay P498 billion na lamang sila at ang  DOH ay makakaltasan ng P36 billion from P107 billion ay baka P71 billion na lang.

Ang problema kung kailan tumataas ang bilihin at du-madami ang mga nagugutom sa Philippines my Philippines saka pa babawasan ng budget ang mga importanteng ahensiya na tumutulong sa madlang pinoy.

Bakit ang PCOO, mukhang dadagdagan ng P100 million budget?

Para saan ito?

Bakit nga ba?

May karagdagan tulong bang magagawa ang PCOO sa mga nagkakalam na sikmura ng madlang pinoy?

Kung kailan papasok na ang TRAIN Law saka pa magkakaroon ng bawasan blues sa mga ahensiyang ikinukuento natin sa itaas. Abangan!

vuukle comment

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with